Masasamang epekto ng kakulangan sa tulog

Bakit ba mayroong mga tao na nagkukulang ng oras sa pagtulog? Ito ba ay dahil sa mayroon silang pinagka-aabalahan? Inihahabol na trabaho? Pinapanood na K-drama series? O mayroon silang tinatawag na insomnia?

Ano ba ang naidudulot na mabuti ng pagtulog nang tama?

  • Tinutulungan ang pusong maging malusog
  • Nakatutulong maiwasan ang pagkakaroon ng cancer
  • Nakatutulong itong bawasan ang stress
  • Nakatutulong upang mabawasan ang pamamaga
  • Nakatutulong sa pagiging alerto
  • Nakatutulong sa pagpapatalas ng memorya
  • Nakatutulong sa pagbabawas ng timbang
  • Nakatutulong sa pagpapababa ng chance na magkaroon ng depresyon
  • Nakatutulong sa pag-regenerate ng ating katawan

Ilang oras ba ang kailangan na tulog ayon sa edad? Ayon sa datos na inilabas sa website ng ritemed.com.ph, ito ay ang mga sumusunod:

0-3 buwang taon ay kinakailangan ng 14 hanggang 17 oras ng pagtulog.

4-12 buwang taon ay nangangailangan ng 12 hanggang 16 na oras kasama ang siyesta.

1 to 2 taong gulang ay 11 hanggang 14 oras.

3-5 taong gulang, 10 hanggang 13 na oras.

6-12 na taong gulang, 9 hanggang 13 na oras.

13-18 taong gulang, 8 hanggang 10 na oras.

18-60 taong gulang, 7 o mas higit pa.

61-64 taong gulang, 7 hanggang 9 oras ng tulog.

65 taong gulang naman ay nangangailangan ng 7 hanggang 8 oras ng tulog.

Ano ang mga masama o negatibong dulot ng kakulangan sa pagtulog?

Maraming maaaring masamang idulot ang kakulangan sa pagtulog pero ang mga sumusunod na nasa listahan ay iilan lamang sa mga ito.

  • Problema sa memorya o sa utak
  • Problema o kakulangan sa kakayahang mag-isip at concentrate
  • Madalas na pagbabago ng mood
  • Nagiging mahina ang immune system
  • High blood pressure
  • Pagtaas ng cholesterol
  • Mabilis na pagtaas ng timbang
  • Mataas na posibilidad na magkaroon ng diabetes
  • Pagkakaroon ng mababang libido
  • Pagkakaroon ng problema sa pagbalanse.

Ano ba ang insomnia? Ang insomnia ay isang karaniwang sakit na kung saan nahihirapan na makatulog ang isang tao. Isa ring sintomas ang kadalasang paggising nang mas maaga kaysa sa tamang oras ng paggising. Mayroong dalawang klase ng insomnia, ang acute at ang chronic insomnia.

Ang acute insomnia ay kadalasang nagtatagal ng ilang araw hanggang sa isang linggo habang ang chronic naman ay tumatagal ng buwan na siyang maaaring magdulot ng mga mas malala pang sakit.

Ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng insomnia?

  • Stress
  • Schedule sa trabaho
  • Poor sleep habit
  • Pagkain nang late sa gabi
  • Mental health disorder
  • Mga gamutan
  • Medical condition
  • Pagggamit o pagkonsumo ng alcohol, nicotine at kape

Paano maiiwasan ang insomnia?

  • Praktisin ang pagkakaparehong oras ng paggising at pagtulog
  • Ugaliing maging aktibo ang bawat araw
  • Bawasan ang palagiang pag-idlip
  • Iwasan ang pagkain ng marami bago matulog
  • Gawing komportable ang silid-tulugan
  • Ugaliing mag-shower bago matulog

Kung ang insomnia ay nagtagal at hindi naging maayos ay maaaring komunsulta sa mga dalubhasa.