Marso 20 deklaradong holiday

Alinsunod sa Proclamation No. 1189, idineklarang isang regular holiday sa buong bansa sa Biyernes, Marso 20 bilang paggunita sa Eid’l Fitr (Feast of Ramadhan).

Kaugnay nito walang pasok sa lahat ng mga paaralan sa lahat ng antas. Sarado rin ang mga tanggapan ng mga lokal na pamahalaan maliban sa mga nasa linya ng operasyon kaugnay ng emergencies, health and disaster response.

Hinihikayat na alamin ang iba pang impormasyon ukol dito batay din sa anunsyo sa inyong trabaho o paaralang pinapasukan.