
Dahil sa nangyaring matinding landslide, sinarado sa mga motorista ang daanang Marikina, Laguna, at Quezon (Marilaque) bago dumating sa Palo Alto ng Barangay Pinugay, ayon sa impormasyon ng munisipalidad ng Baras, Rizal sa kanilang Facebook account.
Apat na kilometro ng highway sa Baras, Rizal, bago dumating sa nasabing barangay, ang sarado dahil sa gumuhong lupa kung saan kabilang dito ang naglalaking bato at nadamay ang isang poste ng Meralco, dahilan para mawalan ng kuryente ang isang lugar.
Sinarado ang daanan umaga ng Biyernes at pinagbabawalan ang lahat ng uri ng sasakyan para sa kaligtasan.
