Marijuana at koneksyon nito sa sakit sa puso

Sa Pilipinas, hindi pa rin legal ang paggamit ng marijuana. Nananatili ito sa talaan na mapanganib na gamot sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa report ng CNN, may bagong pag-aaral muli tungkol sa marijuana at ito ay iniuugnay sa sakit sa puso.

Nasa pag-aaral na ang paggamit ng marijuana ay daan para sa mabilis na pagtibok ng puso at mabilis na pagtaas ng presyon ng dugo, ayon sa Center for Disease Control and Prevention. Peligroso rin ito para ma-stroke ang gumagamit nito.

Ang paggamit ng marijuana araw-araw ay maaaring magpataas ng peligro na magkaroon ng coronary artery disease (CAD). Ang CAD ay ang pinakakaraniwang uri ng sakit sa puso. Tinatawag ding itong coronary heart disease o ischemic heart disease. Para sa ilan, ang unang senyales ng CAD ay isang heart attack.

May substances din ang marijuana na masama ang epekto sa baga.

Iba pang pag-aaral sa masamang epekto ng marijuana

Ganito rin ang naging pag-aaral noon ng ibang eksperto.

Sa mabigat na pag-aaral na inilabas noong isang taon ng Stanford Medicine sa Amerika, ang paggamit ng marijuana ay may hatid na cardiovascular effects. Ito ay ang mga sakit sa puso, atake sa puso at maging stroke.

Dito ay nakita na ang ang psychoactive component ng marijuana, na kilala bilang tetrahydrocannabinol o THC, ay nagreresulta sa pamamaga sa endothelial cells at damay din ang ang atherosclerosis sa mga daga ng laboratoryo.

Ang endothelial cells ay ang pangunahing uri ng cell na matatagpuan sa loobang lining ng mga daluyan ng dugo, lymph vessel, at puso.

Pag-eksamin sa THC

Nagkaroon ng eksaminasyon ang researchers sa genetic at medikal na data (UK Biobank) ng humigit-kumulang 500,000 kataong may edad 40-69. Halos 35,000 kalahok ang naghayag na sila ay naninigarilyo ng cannabis; sa mga iyon, humigit-kumulang 11,000 ang naninigarilyo nang higit sa isang beses sa isang buwan.

Lumalabas, ang mga naninigarilyong ito ng higit sa isang buwan kumpara sa nonusers ay mas malamang na magkaroon ng atake sa puso matapos na makontrol ang iba pang mga kadahilanan kabilang ang edad, body mass index at kasarian.

Gayundin, natuklasan na ang mga madalas na naninigarilyo ng marijuana ay mas malamang kumpara sa hindi gumagamit na magkaroon ng kanilang unang atake sa puso bago pa sila mag-edad 50 – isang unusual medical event na tinatawag na premature heart attack. Ito ang nagpapataas ng panghabambuhay na panganib ng isang tao sa kasunod na heart attack, heart failure at life-threatening arrhythmias na maaaring magdulot ng biglaang pagkamatay.

May tinatayang 1,200 katawagan sa marijuana kabilang dito ang sumusunod:

Mary Jane · cannabis · bud · ganga · grass · reefer · chronic · herb · Black gold · Bud · Buddha · Bammies · Bobby · Boof · Brown · 2 long · Airplane · Alligator cigarette · Bifter · hemp · pot · reefer · weed · tea

Ang Stanford Medicine ay kilala sa mahabang tradisyon ng pamumuno sa pangunguna sa pananaliksik, malikhaing protocol na mga pagtuturo at epektibong mga klinikal na therapy.