Maria Lourdes Mansion: New Zealand sa ganda

Ang Maria Lourdes Mansion na matatagpuan sa Naganacan, Sta. Maria sa lalawigan ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Nagkaroon ng grand opening noong Nobyembre 19, 2021, tunay na masasabing New Zealand ng Pilipinas ang Maria Lourdes Mansion na matatagpuan sa Naganacan, Sta. Maria sa lalawigan ng Isabela.

Nahahawig sa New Zealand ang hotel dahil sa picturesque landscape na hatid nito na sadyang natural at mas iniingatan ng Pasto Di Apolonio Farm & Leisure Corp.

Ang entrada papunta sa Maria Lourdes Mansion. (Kuha ng Bilibb)

Sa hotel ay may mga pagpipiliian mula sa 13 rooms na iba’t iba ang klasipikasyon mula sa standard, family, dormitory, at suite.

Ang room rates ay nagsisimula sa P2,900 hanggang P9,000. Sa bawat mapipiling room ay tiyak na ang libre at masarap ninyong almusal.

Ang ilan sa kanilang amenities ay swimming pool na may cottages, at function hall na may quality sound system.

Ang chapel sa loob ng Maria Lourdes Mansion. (Kuha ng Bilibb)

Iba rin ang panghalina ng hotel na bukod sa magandang tanawing nakapalibot dito ay mayroon din silang sariling chapel para sa nais magkaroon ng koneksyon sa Maykapal.

Sa kanilang dalawang dormitory room, kasya ang hanggang walong tao rito dahil sa kanilang mga double deck bed na may dalawang banyo.

Sa bawat veranda o viewing deck ng palapag ay naibibigay nito ang luntiang kapaligiran na hindi maibibigay ng tanawin ng Maynila.

Hanggang ikatlong palapag ang hotel pero mayroon pang nakabukod na roof deck para sa mas buhay na buhay na hitsura ng tanawing nakapaligid dito kung saan mas tanaw ang scenery landscape – ang mga baka sa bulubunduking buhay na buhay at iba pa.

Ang swimming pool na tanaw mula sa mataas na bahagi ng hotel. (Kuha ng Bilibb)

Hindi rin mababalewala ang kakaibang lamig na mararanasan sa lugar dahil kahit mainit ay hindi ninyo na iindahin pa.

Patuloy pa ring pinagaganda ang Maria Lourdes Mansion. Ang pagdayo naming sa hotel na ito ay bahagi pa rin ng “paturismo” sa national media na hatid ng pamahalaan ng lalawigan ng Isabela.

Ang natural at luntiang bulubunduking kalapit ng Maria Lourdes Mansion. (Kuha ng Bilibb)
Ang lobby ng Maria Lourdes Mansion. (Kuha ng Bilibb)

Ang veranda sa ikatlong palapag ng Maria Lourdes Mansion. (Kuha ng Bilibb)