Manila Int’l Auto Show: Isang giant innovation gallery

Sa ilalim ng temang Shaping Mobility, opisyal na nagbukas ang Manila International Auto Show (MIAS) sa World Trade Center (WTC) sa Pasay City itong Abril 13.

Ang MIAS na kilalang motoring at driving pageantry sa bansa ay nasa kanilang ika-18 edisyon ngayong taon sa pag-oorganisa ng Worldbex Services International. Dito nagsasama-sama ang mga bagong kotse, car enthusiasts, car buyers at iba pa. Mistulang giant gallery din ito ng innovations ng mga sasakyan.

Sa pagbubukas ng event, isang live performance ang inihandog dito nina Gab Pangilinan at Gian Magdangal.

Naispatan din namin dito si Ramon Bautista na isang former actor at ngayon ay aktibong car vlogger.

Sa 3-day event din na ito ay muling makikita ang Guinness World Record holder at stunt driver na si Russ Swift para magpakitang gilas ng kanyang talento para sa Subaru Russ Swift Stunt Show.

Participating car brands

Sa mahigit 3,000 sqm na laki ng exhibition area ay magtatagpo-tagpo ang mga participating car brand tulad ng Mitsubishi Motors Phils. Corp., Changan Motors, Cherry, Ford Philippines at Foton. Kalahok din dito ang GAC Motor, Geely, GWM, Hyundai, Jetour, MG, Motorimage and Subaru, Nissan, Peugeot Philippines, at iba pa.

Iba’t ibang activities

May test drive avenue rin para sa mga gustong kilatisin ang brands ng mga sasakyan dito.

Exciting din ang MIAS Petron Custom and Classic Car Competition. Dito, masasaksihan ang vintage, classic at contemporary cars para masungkit ang awards tulad ng best of the show, best in the category, at iba pa.

Habang may panahon pa ay huwag palampasin ang MIAS 2023 na magtatapos sa Abril 16. Suportahan ang Philippine automotive industry!

Bukas ito mula ika-10:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng gabi. Agahan lamang ng punta upang magkaroon pa ng oras na bumili ng tickets lalo na onsite. May 20% discounts onsite para sa seniors at person with disability. Para naman sa BPI cardholders, libreng makukuha ang tickets onsite.

Samantala, hiwalay ang bayad para sa Subaru Russ Swift Stunt Show na may halagang P50. Ito ay tatlong beses na ginagawa sa hapon na sinisimulan ng ika-1:00 ng hapon.

May open parking lots sa tapat ng WTC at Cultural Center of the Philippines.

Para sa ticket, price nito at iba pang detalye, magsadya sa www.manilaautoshow.com. Tumawag din sa 632 8656 9239.