Makan ken Mainum: Makabagong mga putaheng hango sa lokal na mga sangkap

Dinapigue, 1st Place sa Makan ken Mainum 2024

Ang Makan (pagkain) entry ng Dinapigue para sa Makan ken Mainum competition bilang bahagi ng Bambanti Festival 2024. Ang bayang ito ang ginawarang 1st Place para sa kategoryang Makan at Mainum. (Kuha ni George Buid)

Being the country’s leading corn producer, second top rice producer, and munggo capital, without a doubt, Isabela is one of the agricultural centers of the Philippines. Aside from the mentioned products, each of the cities and municipalities composing the province has locally sourced ingredients that are used in their day-to-day dishes.

Ang Makan ken Mainum Competition na ginanap sa harap ng Kapitolyo ng Isabela sa City of Ilagan. Ang 25 na munisipalidad at lungsod ay may kani-kaniyang istasyon para sa paghahanda ng mga pagkain. (Kuha ng Bilibb)

Kamakailan lamang ay ginanap ang Bambanti Festival kung saan ipinagdiriwang ng Isabela ang mga naging ani sa nakaraang taon. Bambanti o “scarecrow” ang naging simbolo nito dahil sa papel na ginagampanan nito sa mga lupang sakahan.

Kasama sa naging pagdiriwang ang “Makan ken Mainum” noong Enero 25 kung saan kalahok dito ang 22 munisipalidad at tatlong lungsod sa Isabela na nagpaligsahan sa pagluluto at paghahanda ng mga lokal na pagkain at inumin mula sa kanilang bayan.

Ang Seafood Balls in Laing na Makan (pagkain) entry ng Luna para sa Makan ken Mainum competition bilang bahagi ng Bambanti Festival 2024. (Kuha ng Bilibb)

The “Makan Ken Mainum,” an Ilocano term, literally translates to “Pagkain at Inumin” in Filipino, as this competition requires the participants to serve both local food and drinks. The premise of this event is that each group participant’s main local ingredient should be incorporated and featured in every meal that they present.

Ang initiative na ito na nasa ikawalong edisyon na ngayon ay pinasimulan ni Chef Mary Ann Arcega-Dy, ang Chairperson ng Makan ken Mainum at kabiyak ni Isabela Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III. Nagbibigay ito ng platform sa lokal na komunidad upang ipakita ang kanilang mga talento sa pagluluto, pamana ng kultura, at mga tradisyon.

Maging sa mga istasyon ng mga kalahok ay ipinakita ng mga ito ang kanilang abilidad sa paglikha ng mga pagkain at inumin. Gaya ng nasa larawan, ang palayok ay nagpapakita ng tradisyunal na pagluto sa kanilang lugar. (Kuha ng Bilibb)

Ang mga kalahok ay binubuo ng limang tao na nasa edad 15-24, kung saan ang isa ay punong tagapagluto, isang bartender, at ang natitirang tatlo ay ang mga katulong. Lahat din sila ay kinailangang gumamit ng “biggang ken banga” o baga at palayok sa pagluluto. Pinagbawal din sa kompetisyon ang paggamit ng artipisyal na pangkulay at pampalasa, gayundin ang kahit anong preservatives. Binigyan lamang ang mga kalahok ng dalawang oras upang ihanda ang kanilang mga obra.

Isang kalahok ang nagpapabaga habang nagluluto sa palayok bilang isa sa requirements ng kompetisyon Makan ken Mainum 2024. (Kuha ng Bilibb)

Habang nasa interview, ang isa sa judges na si chef Romulo Lamatomn Royol Jr., mula sa TV show Farm to Table sa GMA 7, also shared that the competition really pushed each of the participants to represent their respective municipalities and cities through their food.

“It was well-organized, for one, and apparently, the people running the show know their thing, and ‘yun nga, (this is) one of the few cooking competitions that I’ve been part of na very, very well-maintained (and) well-mannered ‘yung competitors,” ayon kay Chef Royol.

Si Chef Romulo Lamatomn Royol Jr. habang sinusuri ang entry ng isang kalahok sa Makan ken Mainum 2024. (Kuha ng Bilibb)

When asked if the dishes prepared can compete nationwide, or even worldwide, Chef Royol expressed his approval with enthusiasm.

“I’m confidently sure that two of those dishes that I’ve tasted, that I’ve tried, that I’ve seen and I’ve witnessed, how it came together, how it was put together – international level, easy. Philippines? I’d say 80% of them. So, I mean, malayo ‘yung vision nung mga bata ngayon or their coaches, whoever’s part of their team, sobrang elevated which is exciting for me as a culinary artist,” dagdag pa niya.

Despite the tension brought by the competition, participants displayed cheerfulness and eagerness not only to win but to represent their localities with pride. They also prepared a surplus of their dishes to give away to those who visited their station which depicts their passion for cooking and serving.

Inihahanda ng kalahok mula sa Burgos ang kanilang “Shredded Pork in Lemon Barbeque Sauce” kung saan itinatanghal ang tinunong (inihaw na) kamote na karaniwang nakikita sa kanilang munisipalidad.

 

Mga nagwagi sa Makan Ken Mainum competition

Mainum ti Isabela

1st Place – Dinapigue (trophy and P30,000)

2nd Place – Santiago City (trophy and P25,000)

3rd Place – Cordon (trophy and P20,000)

4th Place – Tumauini (trophy and P15,000)

5th Place – Echague (trophy and P10,000)

 

Makan ti Isabela

1st Place – Dinapigue (trophy and P30,000)

2nd Place – Santiago City (trophy and P25,000)

3rd Place – Luna  (trophy and P20,000)

4th Place – Cordon (trophy and P15,000)

5th Place – Tumauini (trophy and P10,000)

Gayundin, may consolation prizes sa mga hindi pinalad sa competition.

Participants sa Makan ken Mainum

Alicia

Angadanan

Burgos

Cabatuan

Cauayan City

Cordon

Dinapigue

Echague

Gamu

City of Ilagan

Jones

Luna

Mallig

Quirino

Ramon

Reina Mercedes

Roxas

San Agustin

San Guillermo

San Isidro

San Manuel

San Mateo

Santiago City

Sta. Maria

Tumauini

 

Makan ken Mainum Judges

Makan

Chef Miguel Antonio Gerena Flores

– Sushi Shokunin, owner

Chef Romulo Lamatomn Royol Jr.

– Farm to table (TV show, GMA Network)

Chef Arens Rañola

– Pepet Lukban Owner

 

Mainum

Ms. Dorothy Joy Tung

– View Park Hotel, Tagaytay, CEO

Ms. Melissa Canizares

– Maya, Liberty Commodities, Inc., Sales and Marketing Director

Mr. Ric John Mendoza Carlos

– Pierre’s Reserve, F&B Director