Malikhaing mga patikim sa Culinaire 2026 ng SMX

Ang Pinoy dessert na Ginto: Gateway to the Islands ng Juan Carlo the Caterer (Kuha ni Ann Esternon)

Mula sa hotels at expansive resorts hanggang sa mga makabagong convention centers, ang SM Hotels and Conventions Corp. (SMHCC) ay nagsisilbing vital link sa pagitan ng guests at vibrant communities sa bansa habang bitbit nito ang turismo.

Sa paglikha ng mga karanasang nagtatampok sa mayamang kultura ng lokalidad, layunin ng SMHCC na dalhin ang guests sa mga natatanging kuwento at lasa na naglalarawan sa kapuluan. Kaya naman, nagkaroon ng malikhaing mga patikim sa ginanap na “Culinaire 2026” ng SMX para pagyamanin pa ang lutuing kultura ng mga Pilipino noong gabi ng Setyemre 21 sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City.

Sa event, iba’t ibang sarap ng pagkain at inumin ang natikman. Puwedeng isipin na kaunti ang serving na inihain sa guests pero sa dami ng choices, at sa choice na libutin ang malaking venue para matikman din ang iba pang mga inihandang putahe, binusog ang mga ito hindi lamang sa sarap kundi sa nakagaganang kultura ng pagkaing mayroon ang Pilipinas.

Ilan sa mga nakibahagi rito ay hotels and resorts, restaurants, at iba pa na nagpatikim ng mga ipinagmamalaki nilang sarap ng lutuin. Tulad nito ay Bizu Catering Studio, Conrad Manila, Event Shaker Mobile Bar, GQ Mobile Bar, Hizon’s Restaurant and Catering, Juan Carlo the Caterer, Kitchen City, M Catering and Fine Foods, Richgold Weddings, The Creamery Catering, Tjioe The Caterer Inc., Via Mare Via Mare Corporation at iba pa.

Ang mga inihaing sarap ay mga pagkaing mula Luzon, Visayas at Mindandao kaya lasap rito ang Bacolod chicken inasal, Batangas tawilis, angus kulawo ng Laguna, Kapampangan sisig, Cebu lechon, Sinuglaw ng Davao, at maraming pang iba.

“Over the years, Culinaire has become a channel for SMX, its caterer partners, and sponsors to showcase creativity and culinary craftsmanship. Year after year, participating partners transform familiar ingredients, regional influences, and Filipino traditions into distinctive culinary creations that guests can enjoy and remember. We deeply value the partnerships forged through the years and the many ways our partners continue to infuse creativity and flavor into the offerings at SMX,” ayon kay Walid Wafik, SMHCC Senior Vice President for Operations.

Ang pangako na ito sa pagpapayaman ng kultura at pakikilahok sa komunidad ay isinasalamin sa mga inisyatiba tulad ng Culinaire 2026 – Flavors of Possibility. Ang taunang pagdiriwang na ito ng culinary showcase ay isang collaborative effort na nagdadala ng iba’t ibang uri ng mga accredited caterers at partners, bawat isa ay kumakatawan sa iba’t ibang tradisyong kulinarya sa bansa.

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)