Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo asahan

Asahan na ang malakihang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa darating na Martes, Marso 27, ito ang tinatayang paggalaw sa presyo:

Diesel: P1.30 – P1.75 kada litro

Gasoline: P1.90 – P2.60 kada litro

Kerosene: P1.20 – P1.50 kada litro

Ang pagtaas sa mga presyo ay bunsod ng kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia. Gayundin, kulang ang imbentaryo ng langis ng Amerika. Samantala, hindi naman sapat na nakapag-e-export ang Iraq ng kanilang langis.