Makan ken Mainum: Sarap sa hapag!

Ang harapan ng kapitolyo ng Isabela na pinagdausan ng Makan ken Mainum bilang bahagi ng 2023 Bambanti Festival. (Kuha ng Bilibb)

Bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng 2023 Bambanti Festival ng lalawigan ng Isabela ang Makan ken Mainum na isang kompetisyon para sa mga kabataang mula sa iba’t ibang bayan ng nasabing lalawigan na may husay sa paglikha ng masasarap na putahe at inumin.

Nasa ikapitong taon nang edisyon ang Makan ken Mainum na salitang Iloko o Ilokano na ang ibig sabihin ay pagkain (makan) at (ken) inumin (mainum).

Ang isang grupo mula sa 23 kalahok ng Makan ken Mainum na bahagi ng 2023 Bambanti Festival ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Kainitan ng hapon noong Enero 26 nang magsimula ang kompetisyon sa harap ng kapitolyo ng Isabela na nilahukan ng 23 grupo ng kabataan.

Ang mga grupo ng mga batang may edad 9 hanggang 14 na kalahok ay nagpamalas ng iba’t ibang lutuing “freestyle” at orihinal na ang mga sangkap ay mula rin mismo sa Isabela.

Si Chef Mary Ann Arcega-Dy, maybahay ni Isabela Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III at chairman ng Makan Ken Mainum, habang sinusuri ang isang kalahok ng nasabing kumpetisyon na bahagi rin ng 2023 Bambanti Festival ng nasabing lalawigan. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Dahil labasan ng talento sa pagluluto, ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Chef Mary Ann Arcega-Dy, maybahay ni Isabela Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III.  Gayundin, naroon ang partisipasyon ni chef Cornelio “Cocoy” Ventura III at isa sa mga naging hurado ay si Chef Luigi Muhlach, anak ng mga aktor na sina Aga Mulach at Janice de Belen.

Ang isa pang grupo mula sa 23 kalahok ng Makan ken Mainum competition na bahagi pa rin ng 2023 Bambanti Festival ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Tunay naman na ang Makan ken Mainum ng Isabela ay sarap na maihahain sa hapag at mapagsasaluhan ng lahat!

Ang mga nagwagi sa Makan ken Mainum competition

Makan category

Santiago – 1st Place with P25,000

Tumauini – 2nd Place with P20,000

San Agustin – 3rd Place with P15,000

Dinapigue – 4th Place with P10,000

Cauayan – 5th Place

Mainum category

Tumauini – 1st Place with P25,000

Santiago – 2nd Place with P20,000

San Isidro – 3rd Place with P15,000

Angadanan – 4th Place with P10,000

San Mateo – 5th Place