Mahigit 1,500 trabaho ng DOT-DOLE aabangan

Ang Memorandum of Understanding para sa pagkakaroon ng Job Fair sa Setyembre na nilagdaan nina, mula kaliwa, DOLE Secretary Bienvenido Laguesma at DOT Secretary Christina Garcia-Frasco.

Mahigit sa 1,500 job vacancies ang ibibigay sa initial leg ng “Trabaho, Turismo, Asenso! Philippine Tourism Job Fair” na gaganapin sa Setyembre 22 hanggang 24.

Ang anunsyong ito ay pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco noong Agosto 30 sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) na pinirmahan sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE).

“The agreement we are formalizing today by way of a memorandum of understanding Between the Department of Tourism and the Department of Labor and Employment is essential, responsive and proactive to the tourism employment sector,” ani Secretary Frasco.

“I express my profound gratitude to DOLE Secretary Bienvenido Laguesma for his kind acceptance and willingness to undertake this collaboration with the DOT to open up employment and livelihood opportunities to our fellow Filipinos in the tourism industry across our islands in the Philippines. Through this MOU between the DOT and DOLE, we will jointly conduct job fairs to fill in the gaps caused by job lost due the pandemic on one, and on the other the need to fill up essential job vacancies of the gradually recovering tourism industry,” dagdag pa ng kalihim.

Ang MOU, na nilagdaan ng dalawang kalihim ng ahensya at sinaksihan ni DOT Undersecretary Ferdinand Jumapao at DOLE OIC-Undersecretary for Employment and Human Resource Development Paul Vincent Añover, ay naglalayong gawing pormal ang pakikipagtulungan ng parehong pambansang ahensya upang magbigay ng paraan para sa paglikha ng mga oportunidad sa trabaho sa sektor ng turismo at mga kaalyadong industriya.

Aasahan ang kabuuang 1,538 vacancies, 1,273 sa mga ito ay full-time na job posts at 265 part-time openings mula sa 293 establishments na dumaan sa survey ng DOT as of August 30 na siyang ihahandog sa gaganaping initial leg ng “Trabaho, Turismo, Asenso! Philippine Tourism Job Fair”, na sabayang ilulunsad ng DOT at DOLE sa tatlong magkakahiwalay na lungsod sa bansa.

Base sa DOLE Online Establishment Reporting System, nagtala ang Accommodation and Food Service Activities Industry ng 12,717 local job displacements mula sa 739 reporting establishments mula Enero hanggang Hunyo 2022.

“Tonight’s event comes at an important juncture, where we join together in this MOU to further advance our partnership and support. With this, I would like to express my gratitude to Secretary Ma. Esperanza Christina Garcia Frasco, for spearheading this advocacy of creating a space for our workers to bounce back and become contributors to our recovering economy…Ang DOLE po at ang DOT ay patuloy na magsasagawa ng tulad ng mga job fairs upang mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho lalong lalo sa turismo at nang masiguro na sama-sama ang bawat Pilipino sa pag-asenso,” ani DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa isinagawang paglalagda sa MOU.

Ang Manila leg ng job fair series ay magsisimula sa Setyembre 22 hanggang 24 sa SMX Convention Center Manila, sa Pasay City, habang ang Cebu at Davao legs ay nakatakda mula Setyembre 22 hanggang 23, sa SM City Cebu at Abreeza Mall sa Davao City.

Ang mga kompanyang nais na lumahok sa job fair ay maaaring makipag-ugnayan sa concerned DOT Regional Offices. Gayundin, ang mga interesadong aplikante at job hunters ay maaaring makipag-ugnayan sa regional offices ng DOT o kay Ms. Cassandra Camonggol ng DOT Office ng Industry Manpower Development (OIMD) at mag-email sa dot-oimd@tourism.gov.ph para sa iba pang impormasyon sa okasyon.

Ang Manila leg ng “Trabaho, Turismo, Asenso! National Tourism Jobs Fair” ay sabay-sabay na gaganapin sa SM Convention Center kasama ang Hotels Supplier Show, pagkatapos maglaan ng 50 booths para sa job fair ang Global-Link MP, isa sa private sector partners ng DOT at DOLE, ng 50 booths para sa job fair.

Ang mga miyembro ng House of Representatives sa pangunguna nina Deputy Speaker Vincent Franco Frasco, Representative of 5th District of Cebu; Deputy Speaker Raymund Democrito Mendoza ng TUCP Party List; Eleandro Jesus Madrona, Representative Lone District ng Romblon; Midy N. Cua, Representative Lone District ng Quirino; Jose Gay Padiernos ng GP PARTY; gayundin ang Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) Director General Danilo Cruz; at partners mula sa private sector Global-Link MP Events Int’l Inc. COO Ma. Lourdes Lagandaon at Tourism Congress of the Philippines President Jose Clemente III ay mga dadalo sa pagsuporta sa okasyon.

“With the collaborative spirit of the national government, the local government units, the private sector, the DOT is optimistic that the Philippines can claim its position on the global stage, jobs will be regained, and tourism-related enterprises will bounce back stronger than ever, sooner rather than later,” ani Frasco.