Madz magtatanghal sa Lipa cathedral

Inihahandog ng Cultural Center of the Philippines ang Philippine Madrigal Singers sa pakikipagtulungan ng City Government of Lipa, Batangas sa isang gabi ng maganda at nakaka-inspire na choral music sa Enero 18, 2023, Miyerkules, ika-7 ng gabi sa Metropolitan Cathedral of Saint Sebastian, Lipa City sa Batangas.

Kasama ang “Madz'” choirmaster na si Mark Anthony Carpio, tampok sa concert ang crossover violinist na si Jobry Cimafranca. Ang espesyal na outreach concert na ito ay proyekto ng Cultural Center of the Philippines na naglalayong linangin at paghusayin ang interes at pagpapahalaga ng publiko sa sining at kultura, na ilapit sila sa mga tao, lalo na sa mga rehiyon.

Libre ang mga tiket at bukas sa publiko. Sabay-sabay din itong makikita nang live-stream sa pamamagitan ng Cultural Center of the Philippines Facebook page.

Para sa karagdagang impormasyon, magsadya sa CCP website (www.culturalcenter.gov.ph) at sundan ang opisyal na CCP social media accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram para sa mga pinakabagong update.