IT-BPM industry matibay pa; Makati largest recipient ng office-leasing demand sa NCR – LPC

Si Marco de Padua, Senior Manager for Commercial Leasing at bahagi ng founding group ng Leechiu Property Consultants Inc., habang ipinaliliwanag ang naging takbo ng Information Technology and Business Process Management o IT-BPM industry sa office-leasing demand sa third quarter ng 2026. (Kuha ni Ann Esternon)

Kamakailan tinalakay ng Leechiu Property Consultants, Inc. (LPC) ang nilalaman ng kanilang 3Q 2026 Philippine Property Market Report noong October 6 sa Makati City.

Ang Philippine Property Market Report ay matatawag na isang essential tool para sa investors at stakeholders sa real estate. Sa pagsusuri ng mga pangunahing sukatan at trends, nagbibigay ito ng mga pananaw sa kasalukuyang kalagayan ng merkado at hinaharap na potensyal sa mga sektor ng residential, commercial, at iba pa. Ang methodology ng report ay nagsisiguro ng tama at maaring ipatupad na mga pananaw para sa informed decision-making base sa reliable forecast o pagtantya na may epekto sa turismo at ekonomiya ng bansa.

Ang LPC ay kilala bilang isang pangunahin, comprehensive real estate brokerage at advisory firm sa bansa, na dalubhasa sa market research at may malawak na hanay ng services.

Kabilang sa ipinaliwanag ng LPC sa pagsusuri sa factors tulad ng paglago ng ekonomiya, mga pagbabago sa demographic at nagbabagong kagustuhan ng consumers ay inilalarawan nito ang isang komprehensibong imahe kung paano maaaring umunlad o hindi gumalaw ang real estate market, halimbawa, sa Pilipinas sa mga darating na taon.

 

IT-BPM: Nananatiling matibay na industriya

Sa usaping office market, na tinawag ng LPC na “The Million Square Meter Question,” tumalakay ito sa kahalagahan nito dahil para sa kanila, ang one million square meters ay sukatan din ng pagkakaroon ng lumalagong bilang ng mga opisina sa bansa.

Dahil nakaranas ang maraming mga bansa ng mga epekto ng digmaan sa Iran noong unang bahagi ng taon, sinisilip ng LPC kung nasa tamang posisyon ba ang Pilipinas para maabot ang sinasabing “one million square meters.”

Sa pag-aaral ng LPC sa ikatlong bahagi ng 2026, nakitang may 276,000 square meters sa office-leasing demand sa hanay ng IT-BPM (Information Technology and Business Process Management) industry. Ibig sabihin, sa kabila ng nakikitang kakulangan ng katatagan, nakikitang tumaas pa rin ang demand nang 33% kada quarter.

“What we’re seeing is that the IT-BPM industry continues to project stability. Of this stability, we are seeing that some of these IT-BPM companies are exploring alternative leasing models through managed facilities. If you look here, most of this is from ITBPM companies taking space in OPEX leasing models through managed facility providers,” ayon kay Marco de Padua, Senior Manager for Commercial Leasing ng LPC. Siya ay isang founding member ng LPC at may higit nang 12-year experience sa real estate. Ang kanyang experience ay kumakatawan sa top real estate developers sa bansa gayundin sa international tenants.

Pagdating naman sa market trends, may ilang companies na pre-commitments sa buildings na matatapos nang isa o dalawang taon. Ayon sa LPC, naroon pa rin ang intensyon na manatili sa merkado ang companies sa loob ng hindi bababa sa susunod na walong taon.

“Eight years because these leasing transactions that happen today for buildings that are being completed in 2028, these transactions will have these terms of at least five years. Of all those pre-commitments, that represents about 8% of the total year-to-date demand of P754,000. While that number might seem small, for us, pre-commitments are very important,” ayon pa kay De Padua.

Ang pre-commitments na ito ang nagpapakita ng tiwala at kumpiyansa sa hinaharap ng real estate market at sa Pilipinas. Gusto kong maglagay ng tala dito na 90% ng lahat ng mga pre-commitment na ito ay nagmumula sa industriya ng ITBPM. Pero saan ang demand na ito? Sa paliwanag ng LPC, ang 68% ng demand na ito (base sa chart sa taas) ay napupunta sa buildings na nakarehistro sa PEZA.

Ang PEZA (Philippine Economic Zone Authority ay nagsisilbing governing at accrediting body na responsable sa pag-certify ng commercial establishments, IT parks, at economic zones. Ang sertipikasyong ito ay nagbibigay-daan sa mga nangungupahan sa loob ng mga pasilidad na legal na makakuha ng mga benepisyo sa buwis at insentibong piskal mula sa gobyerno.

 

Makati City largest recipient, beneficiary ng office demand sa NCR

Samantala, inihayag din ng LPC na ang malaking office-leasing demands na 81% ay nasa Metro Manila o National Capital Region (NCR) at ang 19% ay nasa provincial market. Sa hanay na ito, ang Makati City (23% o 141,000 sqm) ang largest recipient at beneficiary ng office demand. Sinundan naman ito ng Bay Area (18% o 111,000 sqm) at Quezon City (15% o 92,000 sqm).

“To put that in perspective, that 141,000 square meters is already almost equal to the full year demand in Makati of last year, which totaled about 142,000 square meters. Why? We think it’s because of value. There are good deals to be had in Makati City, especially for grade-A office buildings. This is followed by the Bay Area with about 111,000 square meters of office demand,” paliwanag pa ni De Padua.

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)