Locksmithing at iba pang isyu sa lock

May senaryo sa buhay natin na hindi natin talagang inaasahan. Ang tulad nito ay ang ma-lock mula sa labas ng bahay na maituturing na emergency.

Kapag wala kayong bitbit na susi, ang isang opsyon para rito ay hanapin ang duplicate copy nito – puwedeng nasa miyembro ng pamilya o puwedeng wala talagang duplicate. Issue itong matatawag, hindi ba?

Kapag may susi naman kayo pero hindi naman ito nagana, naipit o na-stuck na sa loob ng susian ay ang isang opsyon ninyo rito ay sirain ang pinto – pero hindi ninyo naman alam kung gaano kalaking damage ang magagawa nito. Sa dulo ay mapapaisip na huwag na lamang ituloy kaya hindi ninyo na lamang gagawin tulad ng bilin ng mga propesyunal.

Isang senaryo pa ng problema…

Isang senaryo ay kung nawala ang inyong susi. Halos mauubusan kayo ng lakas sa kaiisip kung saan naiwan o nailagay ito. Lulutang din ang mga tanong kung paano nawala ito sa inyong pag-iingat at kung kailan ito nangyari. Mas nakakakaba rin kapag naisip ninyo na hindi mabuksan ang pinto ng bahay at baka may naiwang appliances na nakasaksak sa mahabang oras na puwedeng magdagdag sa inyong problema.

ANG MGA PROBLEMA SA LOCK NA PUWEDE NATING MARANASAN AY MULA SA LOCK SA MGA SUMUSUNOD:

– Pinto ng bahay

– Pinto ng opisina

– Pinto ng establishment o commercial establishments

– Pinto ng kotse o anomang sasakyan

– Drawer o cabinet

– at iba pa

ILAN DIN SA PROBLEMANG MATATAWAG ANG MGA SUMUSUNOD:

– Pintong hindi maisara o hindi maisara nang maayos

– Lock na malagkit o maganit sa loob

– Lock na paikot-ikot lamang ang galaw sa loob pero hindi nabubuksan o nalo-lock

– Hindi maipasok ang susi

– Nasira, naputol o hindi matanggal ang susi sa loob ng lock

– Nasirang door knob

Ang mga nabanggit ay pangkaraniwan na puwedeng solusyunan sa madali at dekalidad na paraan. Ang ganitong problema ay kayang solusyunan ng locksmith services.

Mayroon din kayong opsyon na pagpipilian sa uri ng lock mula sa estilo, hugis, materyales, at presyo.

ANG ILAN SA MGA DOOR LOCK NA PAGPIPILIAN AY TULAD NG MGA SUMUSUNOD:

– Padlock na karaniwan ay u-shaped ang shackle. Ito ay puwedeng may susi o kombinasyon ng mga numero para mabuksan o masara. (Tignan ang larawan na may letter A)

– Knob lock na karaniwang nakikita sa mga bahay, bilugan at bahagyang iniikot para masara o mabuksan. (Tignan ang larawan na may letter B)

– Chain locks bilang karagdagang proteksyon. Puwede rin itong ilagay sa ilang mga sasakyan tulad ng motorbike. (Tignan ang larawan na may letter C)

– Handle sets na may handle at button na hindi kailangan pihitin nang paikot para masara o mabuksan. (Tignan ang larawan na may letter D)

– Digital type na maaaring gamitan ng password o fingerprint. Puwede rin dito ang tinatawag na keyless lock at puwedeng magkaroon ng auto lock feature na masasara matapos ng ilang segundo. (Tignan ang larawan na may letter E)

– Deadbolt na puwedeng single o double cylinder na bagay sa kahit sa anong uri ng pintuan. Kasama rin dito ang tinatawag na Jimmy-proof deadbolt. (Tignan ang larawan na may letter F)

– Dummy knob na isang uri ng lock na para sa decorative purposes na kailangan lamang itulak para magsara o itulak para magbukas. (Tignan ang larawan na may letter G)

– Lever handle lock na modern ang estilo na bagay para sa residential at commercial applications. (Tignan ang larawan na may letter I)

Ang iba’t ibang uri ng locks na puwedeng para sa bahay, opisina, at iba pa.

Tandaan natin na ang lock ay nakadepende rin sa uri ng pinto na mayroon kayo – yari sa kahoy, bakal at iba pa.

LOCSMITHING NOONG UNANG PANAHON AT HALAGA NITO

May ideya ba kayo kung paano at saan nagsimula ang pagkakaroon ng lock?

May paniwala na aabot sa 4,000 taon na ang nakalilipas buhat nang magsimula ang propesyon ng locksmithing. Ito ay sa panahon ng ancient Egypt at Babylon na ngayon ay Iraq (ito ay nasa timog na bahagi ng capital city na Baghdad).

Kahit noon pa, ang mga sinaunang kandado ay maasahan na dahil kahit noon pa ay laganap na ang mga magnanakaw. Ang karamihang lock noon ay yari sa naglalakihan at maligasgas na kahoy. Kahoy din naman ang pinakasusi noong araw.

Sa paglipas ng panahon ay nag-iiba rin ang lock at susi na ginagawa ng mga locksmith. May mga susi na sadyang ginagawa ring singsing upang maisuot para hindi basta mawala. Ang mga mayroon nito noong araw ay mayayamang Romano. Matatawag din itong status symbol.

Sa pagsampa ng 870-900 AD, nagsimula nang maging metal ang mga kandado. Hango o kopya ito sa mga obra ng manggagawa mula sa Inglatera.

Sa pagtawid pa ng panahon ang uri ng susing nabanggit ay kumalat na rin sa Europa at China. Siyempre pa ang kalidad ay gumaganda rin, at ang proteksyon ay mas nagiging solido. Nakarating na rin ito sa iba’t ibang bansa sa pag-usad pa ng panahon.

Tulad ngayon, ang mga gumagawa ng mga kandado ay kumukuha rin ng iba’t ibang kaalaman upang makabuo ng mga lock na de-kalidad, sadyang maasahan dahil pinatibay ng teknolohiya. Ito rin ang basehan upang makagawa sila ng paraan para makumpuni ang lock o iba pang problemang may kinalaman dito.

Tandaan, kapag problemang lock at hindi kayang solusyunan ay makabubuting sa propesyunal o locksmith na lumapit para mawala na ang inyong pangamba.