Lochie Carey ng Australia, Mr. Blackwater Bossing ng Manhunt Int’l 2022

Lochie Carey ang itinanghal na Mr. Blackwater Bossing ng Manhunt Int’l 2022. (Bilibb)

Labanan ng mga kaguwapuhan, karisma, at physique ang rumampa mula sa 34 candidates ng Manhunt International Male Supermodel 2022 na isinagawa noong Setyembre 28, 2022.

Ang event na ito ay matagumpay na ginanap bilang isang Corporate Visit show sa Ever Bilena Cosmetics Inc. sa Caloocan City. Ito ay dahil ang Blackwater na grooming product line ng Ever Bilena ay isa sa official sponsors ng Manhunt International ngayong taon.

Sa okasyon ding ito ay si Lochie Carey ng Australia ang itinanghal na Mr. Blackwater Bossing.

“I cannot describe the feeling. It’s so exciting,” sambit ni Carey sa kanyang pagkapanalo.

“It’s incredible. It’s a lovely culture here. It’s warm, it’s humid but I like that’s it’s been very cold in Australia for a long time so I am very, very excited to be here,” pahayag naman ni Carey sa unang pagtungtong niya sa Pilipinas.

Si Lochie Carey ng Austrial ang itinanghal na Mr. Blackwater Bossing ng Manhunt Int’l 2022. (Bilibb)

Layon ng ika-21 edisyon ng prestihiyosong event na ito na isulong ang mga bagong mukha para sa pagmomodelo at fashion industry ng mga kalalakihan. Kilala rin itong longest-running international male modeling contest na nagsimula noong 1993 at ito ay pinamumunuan ni Manhunt International Executive President Rosko Dickinson.

Para sa taong ito, inaasahan ang ibang lebel ng labanan sa swimwear, tuxedo, at fashion ng mga kalahok at ang mananalo ay siyang papalit sa present Manhunt International na si Paul Luzineau ng The Netherlands.

Lochie Carey (www.lochiecarey.com)

Ito ang ikatlong pagkakataon na isiganawa ang naturang modeling contest sa bansa – una ay noong 1999 at 2020. Samantala, si June Macasaet ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi sa patimpalak na ito na ginaganap noong 2012 sa Bangkok.

Ang pinal na kompetisyon ng Manhunt International ay gaganapin sa Oktubre 1, 2022 sa bansa.