Live musical concerts sa Triple Threats, handog ng CCP

Ang CCP President na si Maria Margarita Moran-Floirendo habang ipinakikila ang Triple Threats concerts nina Markki Stroem, Arman Ferrer, at Poppert Bernadas. (Bilibb)

Ipinagmamalaking ihandog ng Cultural Center of the Philippines, (CCP) ang pagbabalik-sigla muli ng musika sa teatro sa gaganaping serye ng solo concerts na Triple Threats na pagbibidahan nina Markki Stroem, Arman Ferrer, at Poppert Bernadas.

Bilang patikim sa media, nagsagawa kamailan ang CCP ng Press Huddle para sa naturang programa. Iba’t ibang awiting puno ng mahuhusay na emosyon at tinig ng musika ang ipinamalas ng nasabing musical theater artists. Ito rin anila ang aasahang haharana, aaliw at iba pa para sa mga manonood ng naturang concert. Ipinagmamalaki rin ng CCP na ang tatlo artists mismo ang pumili ng mga awiting kanilang iparirinig.

Ang bibida sa isang serye ng solo concerts na Triple Threats na sina, mula sa kaliwa, Markki Stroem, Poppert Bernadas, at Arman Ferrer. (Bilibb)

Tunghayan ang husay ng tatlong tenors na magaganap sa CCP Black Box Theater (Tanghalang Ignacio Gimenez) sa Pasay City.

Unang bibida rito ang Pilipinas Got Talent Season 1 finalist na si Markki Stroem na magtatanghal sa Oktubre 14, 2022 sa ganap na ala-7:30 ng gabi.

Susundan naman ito ng isa ring bituin sa musical theater na si Arman Ferrer na maririnig sa Nobyembre 18, 2022 sa ganap na ala-7:30 ng gabi.

Powerful voice naman ang hahangaan kay Poppert Bernadas sa Disyembre 21, 2022 sa parehas ding oras.

Para sa tickets at iba pang detalye, makipag-ugnayan sa CCP Box Office (8832-3704 / 8832-1125 local 1409) at TicketWorld (8891-9999 / 09175506997 (Globe) / 09999545922 (Smart) o magsadaya sa www.ticketworld.com.ph