Listahan ng Top 10 bangko sa Pinas, inilabas ng Forbes

Sa inilabas na talaan ng Forbes business magazine para sa World’s 415 Best Banks, kabilang dito ang 10 sa Pilipinas para sa taong ito.

“The 415 banks who earned a spot on our ranking were evaluated in categories such as digital services, customer services, financial advice and, of course, trust,” ayon sa Forbes.  Sa pagbuo ng listahan, katuwang ng Forbes ang Statista na isang market research firm

Ito ang Top 10 mga bangko sa bansa

  1. Ang CIMB (Commerce International Merchant Bankers Berhad) Bank na may headquarters city sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nagsimula noong 1974. Mayroon ito ngayong 33,000 empleyado.

2. Ang Philippine National Bank (PNB) na nagsimula noong Hulyo 22, 1916 ay pagmamay-ari ngayon ni Lucio Tan. Sa ngayon ay mayroon itong 8,656 empleyado.

3. Ang Bank of the Philippine Island (BPI) na pag-aari ng Ayala ay nagsimula noong Agosto 1, 1851 at mayroong nang 19,181 empleyado sa ngayon.

4. Ang pag-aari ng Aboitiz na Union Bank (Philippines) ay nagsimula noong 1968. Ito ay may 5,174 empleyado.

5. Ang BDO (Banco de Oro) na nagsimula noong Enero 2, 1968 ay pag-aari ngayon ng SM Group. Ito ay may 95,000 empleyado.

6. Ang pag-aari ng gobyerno na Land Bank of the Philippines na nagsimula noong 1963 ay may 10,340 empleyado ngayon.

7. Ang PS (Philippine Savings) Bank na pag-aari ng Metrobank Group ay may 2,914 empleyado. Nagsimula ang bangko na ito noong 1960.

8. Itinatag noong 1960 ang Rizal Commercial Banking Corp. ay pag-aari ng Yuchengco Group of Companies. Ito ngayon ay may 5,650 empleyado.

9. Ang Maya Bank na nagsimula noong 2013 ay pag-aari ng Voyager Innovations, Inc na may hawak din ng PayMaya. Ito ay may 832 empleyado.

10. Ang Robinsons Bank na pag-aari ng Gokongwei ay nagsimula noong 1997. Ito ay may 1,986 empleyado.