Likhang made in QC

Inanunsyo ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Quezon ang kanilang proyekto may kinalaman sa pagsusulong sa mga likha ng kanilang mga mamamayan.

Ang proyektong Made in QC, ay isang mall caravan kung saan matutunghayan at mabibili rito ang iba’t ibang produktong sining, pagkain, at inumin na gaganapin sa Fairview Terraces Mall mula Agosto 19-21, 2022.

Ang naturang trade show ay inorganisa sa pagdiriwang ng ika-144 na anibersaryo ng kapanganakan ng yumaong pangulo at ama ng tagapagtatag ng QC na si Pangulong Manuel Luis Quezon.

Bilang karagdagang kasiyahan, magkakaroon din ng pagtatanghal sa okasyon ang Quezon City Symphonic Band.

Para sa iba pang detalye, magsadya sa Facebook page ng Quezon City Government.