Libreng sakay sa MRT-3 sa Disyembre 30

Ang anunsyo tungkol sa Libreng Sakay bilang paggunita sa Araw ni Rizal. (Kuha mula sa DOTr MRT-3 Facebook page)

Kasabay ng pagdiriwang ng Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal, nag-anunsyo ang Department of Transportation na magkakaroon ng proyektong Libreng Sakay ang pamunuan ng MRT-3 para sa mga pasahero nito.

Ang Libreng Sakay ay itatakda sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre na mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng gabi, at ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi.

“Ang Libreng Sakay ay bilang pakikiisa ng MRT-3 sa paggunita ng Araw ni Rizal. Nawa ang kanyang sakripisyo ay manatiling buhay sa ating diwa at patuloy na magsilbing inspirasyon sa atin upang gumawa ng mabuti para sa kapwa at bayan,” ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr.