Bilang paggunita sa ika-129 anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal, ang Department of Transportation – Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) ay magsasagawa ng libreng sakay sa Disyembre 30, Martes.
Ayon sa DOTr, walang babayarang pamasahe ang mga commuter simula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng umaga. Ito ay magkakaroon muli sa ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi sa nasabi ring petsa.

