Libreng sakay sa LRT-1, LRT-2, MRT-3 sa Hunyo 12

Ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa pakikiisa sa selebrasyon ng ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan bukas Hunyo 12, magkakaroon ng libreng sakay sa Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT-1 at LRT-2), at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa ilang piling oras.

Ang taunang libreng serbisyo ay bahagi rin ng pagkilala ng pamunuan sa mga bayani ng bansa.

 

LRT-1

Ika-7:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng umaga, at ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi.

 

LRT-2

Ika-7:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng umaga, at ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi.

 

MRT-3

Ika-7:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng umaga, at ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi.

 

Samantala, ang nasabing petsa ay deklaradong holiday.