Libreng sakay sa kababaihan sa LRT-2, MRT sa Women’s Day

Magsasagawa ng libreng sakay para sa mga kababaihan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) LRT-2 at Metro Rail Transit (MRT-3) bilang pakikiisa sa International Women’s Day sa Biyernes, Marso 8.

Nakatakda ang libreng sakay sa nasabing petsa mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng gabi at ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi.

Ang libreng sakay sa LRT-2 para sa kababaihan, ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, ay isang pagkilala at pasasalamat mula sa management para sa mga nagawa at kakayahan ng mga kababaihan sa kanilang mga komunidad at larangan.

“Ito pong libreng sakay natin para sa mga kababaihan ay pasasalamat ng LRTA sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan. Sana po sa simpleng paraan po namin ay maramdaman ninyo na mahalaga kayo samin,” ayon kay Atty. Cabrera.

Mensahe ng Light Rail Transit Authority (LRTA) LRT-2 sa kanilang Facebook account para sa isasagawang libreng sakay sa mga kababaihan bilang pakikiisa sa International Women’s Day sa Marso 8, Biyernes.

 

Mensahe ng Department of Transportation sa kanilang Facebook account para sa isasagawang libreng sakay sa mga kababaihan bilang pakikiisa sa International Women’s Day sa Marso 8, Biyernes.