Libreng PITX-Cubao bus ride para sa mga kababaihan

Tuwing Martes sa buong buwan ng Marso, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nalulugod na ipahayag ang isang komplimentaryong serbisyo sa transportasyong bus ride bilang parangal sa Women’s Month, na partikular na inilalaan para sa mga kababaihan.

Magiging available ang serbisyong ito sa Marso 4, 11, 18, at 25 na may mga pag-alis na naka-schedule sa ika-6:00 ng umaga at ika-5:00 ng hapon sa bawat petsa.

Inaanyayahan ng PCG ang mga mag-a-avail na tumuloy sa Gate 10, Bay 5 ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang samantalahin ang inisyatiba.

Ang mga komplimentaryong sakay ay may biyaheng mula PITX papuntang Mall of Asia sa Pasay at didiretso ng Cubao sa Quezon City at pabalik muli ng PITX.