LGUs, NGAs, CSOs, media pinasalamatan ng NCCA

Ang "PASASALAMAT: NCCA Thanksgiving Day for Partner Institutions," sa Centro de Turismo sa Intramuros, Maynila. (Kuha ng Bilibb.Ph)

Pormal na kinilala ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang mga katuwang nito mula sa iba’t ibang sektor para sa kanilang mga kontribusyon sa ginanap na “PASASALAMAT: NCCA Thanksgiving Day for Partner Institutions,” noong Hulyo 24 sa Centro de Turismo sa Intramuros, Maynila.

Ang pagkilala na ito ay binibigyang-diin ang patuloy na pagsisikap ng mga katuwang o partners ng NCCA para sa unang semestre ng 2026, na mahalaga para sa pagpapaunlad ng isang kolaboratibong kapaligiran na nagpapalago at nagpapanatili ng kultura sa Pilipinas. Ang mga organisasyong ito ay may mahalagang papel sa pagpapatupad ng mga programang pangkultura at mga inisyatibong dinisenyo upang itaguyod at pangalagaan ang mayamang pamana ng sining at kultura ng bansa.

Ang mga sertipiko ng pagkilala ay ipinagkaloob ng mga opisyal na sina Dr. Eric Zerrudo, Tagapangulo at Punong Tagapagpaganap ng NCCA; Jeremy Robert Barns, Direktor-Heneral ng National Museum of the Philippines; at Rene Napeñas, Punong Opisyal ng Administrasyon ng NCCA. Ang pagkilalang ito ay sumasaklaw sa local government units (LGUs), national government agencies (NGAs), civil society organizations (CSOs), academic institutions, at iba pa na mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Sa mga paaralan ng istitusyong akademiko, lubos ang pasasalamat ng NCCA dahil kayo ang naging mga sentro na parununan na nagpapayabong ang sining at pangkultura sa loob at labas ng mga paaralan,” ani Dr. Zerrudo.

Partikular ding kinilala ng NCCA ang institutional partners nito na Intramuros Administration, Center for International Trade Expositions and MissionsNational Parks Development Committee Art Fridates Partners, Literature Tuesdate Partner, Food Wesnesdate Partner, Purple Wednesdate Partner, Pamana Fridate, at mga alagad ng media.

“Sa ating pong media, mula sa traditional man o digital na plataporma na naging boses at nagpalaganap ng mga mensaheng ng NAM (National Arts Month), NLM (National Literature Month), FFM (Filipino Food Month) at NHM (National Heritage Month) para sa unang kalahati ng taon patungo sa mas malawak na madla. Maraming salamat po sa inyong patuloy ng pagbibigay-boses sa pangkulturang Pilipino,” dagdag pa ni Dr. Zerrudo.

Samantala, nagtanghal sa okasyon ang mag-asawang mang-aawit na sina Gian Carlo Magdangal at Lara Maigue Magdangal, at ang Varona Drumbeaters ng Tondo, Maynila.

 

Ilan sa mga kinilala sa PASASALAMAT ng NCCA

LGUs, NGAs, CSOs

– Angono Municipal Tourism, Culture and Arts Office

– City Government of Biñan

– City of Calapan, Oriental Mindoro

– City Government of Iloilo

– City Government of Mabalacat, Pampanga

– City of Ormoc, Leyte

– Municipality of Angono, Rizal

– Municipality of Guinobatan, Camarines Sur

– Municipality of Infanta, Quezon

– Municipality of Julita, Leyte

– Municipality of Laurel, Batangas

– Municipality of Moncada, Tarlac

– Municipality of Santo Domingo, Albay

– Municipality of San Mateo, Rizal

– Municipality of San Mateo, Rizal Tourism of Culture and Arts Office

– Municipality of Paombong, Bulacan

– Municipality of Porac, Pampanga

– Municipality of Pulilan, Bulacan

– Province of Samar

– Provincial Government of Bulacan

– Ang Saliwsiw

– Art Show Philippines

– Batangas State University Alangilan Campus

– Binalonan Arts and Culture Society

– Camarines Norte State College

– Camarines Norte Tourism

– Caraga State University Cabadbaran Campus

– Department of Tourism, Culture and Arts of Manila

– Ecosystems Work for Essential Benefits, Inc.

– Guillermo D. Mendoza National High School

– Intramuros Administration

– Kabataang Tambuli ng Pasig

– Literary and Cultural Studies, Ateneo de Manila University

– Malacañang Heritage Mansions

– Mama Sita Foundation, Inc.

– Marikina Dance Guild

– National Library of the Philippines

– National Museum of the Philippines

– National Parks Development Committee

– Odangputik Art Space

– Office of the Social Secretary

– Pamantasan ng Cabuyao

– Philippine Culinary Heritage Movement

– Philippine International Convention Center

– Pikit National High School

– Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas

– University of the Philippines High School in Iloilo

– Sorsogon National High School Special Program in the Arts

– Taohay NCCA Cultural Center and Regional Hub

– The Quezon Union

– Van Vianen Artspace

 

Ilan sa kinilalang media partners ng National Commission for Culture and the Arts na kanilang pinasalamatan, (mula sa kaliwa) Teddy Pelaez ng Bravo Filipino; Ellesha Remiendo ng North Luzon Monitor; Cris Gabion ng NegoSentro; Ma. Leonila Garcia ng ABS-CBN Online; Elvie Altez ng Abante; Ann Esternon ng Bilibb.Ph; Gerry Olea ng PEP.Ph; at George Buid ng Manila Stories. (Kuha ng Bilibb.Ph)

Media:

– Abante – Elvie Altez

– ABS-CBN Online – Ma. Leonila Garcia

– Bilibb.Ph – Ann Esternon

– Bravo Filipino – Teddy Pelaez

– Business Mirror – Kelly Austria

– Kasingkasing Press

– Manila Stories – George Buid

– NegoSentro – Cris Gabion

– North Luzon Monitor – Ellesha Remiendo

– People’s Television Network

– PEP.Ph – Gerry Olea

– Philippine Star – Norma Chikiamco

– Radar PH – Nikko Miguel Garcia

– The Leisurely Life – Kelly Austria

 

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)