Ang leptospirosis ay isang zoonotic disease na dulot ng bacterium Leptospira, na pangunahing naipapasa sa mga tao sa pamamagitan ng contact o koneksyon sa tubig na kontaminado ng ihi ng mga nahawaang hayop, partikular na ang rodents –daga, squirrels, prairie dogs, porcupines, beavers, guinea pigs, at hamsters. Sa Pilipinas, karaniwang ang daga ang nagdadala ng leptospirosis
Para madaling maunawaan, ang leptospirosis ay bacteria disease dala ng bacteria na Leptospira na matatagpuan sa tubig o lupa na kontaminado ng ihi ng daga, halimbawa.
Tumataas ang kaso ng mga nabibiktima ng leptospirosis ayon sa Department of Health (DOH).
“Umabot sa 2,396 na kaso ng leptospirosis ang naitala sa bansa ng DOH mula June 8 o isang linggo matapos ideklara ng PAGASA ang tag-ulan, hanggang August 7, 2025,” batay sa DOH itong Agosto 9.
Kailan at saan madalas na nakukuha ang sakit?
– Kapag may bagyo o pagbaha. Kapag ang isang tao o hayop ay lumusong sa baha at siya ay may open wounds na maaaring pasukan ng bacteria.
– Maaari rin itong makuha kung nagga-gardening, sa mga inumin o kapag ang pagkain ay naihian ng infected na hayop. Halimbawa nito ay kung ang delatang pagkain na bago buksan ay naihian ng daga at nanatili sa ibabaw o sa pinakatakip ng lata at hindi nahugasan bago ikonsumo.
– Maaari rin direktang makuha sa infected na hayop kapag napadikit sa body fluids ng mga ito.
– Pwede ring sa tubig na mula sa bubong at ito ay tumulo sa katawan mo na may sugat o ang tubig ay nainom. Ang tubig sa bubong ay maaring naiihian ng daga.
– Ang iba pa ay tulad ng pag-akyat sa bundok, pamamangka o ibang watersports, paglilinis ng bakuran, at iba pa.
Ano ang incubation period ng bacteria?
Umaabot sa 5–14 araw, na may saklaw na 2–30 araw ang incubation period
Ang incubation period sa leptospirosis ay tumutukoy sa time frame sa pagitan ng pagkakalantad sa Leptospira bacteria at ang simula ng mga sintomas. Ang panahong ito ay karaniwang tinatantya na mula 5 hanggang 14 na araw, bagama’t maaari itong mag-iba nang malaki batay sa ilang salik, kabilang ang virulence ng bacterial strain, ang ruta ng pagkakalantad, at ang immune response ng tao o hayop na naimpeksyon.
Sa incubation period, ang bacteria ay maaaring dumami sa loob ng katawan ng host nang hindi gumagawa ng anumang kapansin-pansing sintomas. Napakahalagang maunawaan ang yugtong ito, dahil ang mga indibidwal ay maaaring hindi sinasadyang magpadala ng impeksyon o gumawa ng mga aktibidad na higit na naglalantad sa kanila sa bakterya, at sa gayon ay tumataas ang panganib ng paglaganap, lalo na sa mga high-risk na kapaligiran tulad ng mga lugar na apektado ng baha, rural na setting, o mga rehiyon na may hindi sapat na sanitasyon.
Mga sintomas dala ng leptospirosis
Ang sakit ay nagdudulot ng malaking panganib sa kalusugan dahil sa kakayahang magdulot ng malawak na hanay ng clinical manifestations, mula sa banayad na mga sintomas tulad ng trangkaso hanggang sa malubha, posibleng nakamamatay na mga komplikasyon.
– Lagnat o trangkaso
– Pamumula o paninilaw ng mga mata
– Paninilaw ng balat
– Pananakit ng ulo
– Pananakit ng tiyan
– Pagdurumi
– Pangangatog
– Pagduduwal o pagsusuka
– Pamamantal
– Pananakit ng kalamnan lalo sa mga binti
– Pagdurugo ng ilong, sikmura, baga o iba pang organ
Mga maaapektuhang organ
Ang epekto ng bacteria na Leptospira ay maaaring magsimula kapag ito ay pumasok sa katawan. Aabot ng dalawa hanggang 30 araw bago magkasakit dala ng leptospirosis.
Ang sintomas ng sakit ay nabanggit sa itaas, pero maaaring lumalala pa ito at magdulot ng pinsala sa bato (kidneys), atay o pamamaga ng membrane sa utak at gulugod (meningitis).
Ang mabilis na pagsisimula ng mga komplikasyon na ito ay nangangailangan ng napapanahong pagsusuri at interbensyon, dahil ang mga pagkaantala sa paggamot ay maaaring tumaas nang malaki sa panganib ng pagkamatay.
Paano ang gamutan?
Depende ito kung gaano kalala ang leptospirosis. Maaaring magreseta ang doktor ng antibiotic sa hindi seryosong lagay. Kapag nasa peligro ang pasyente ay pwedeng madala sa intensive care unit.
Maaari ba’ng makamatay ang leptospirosis?
Maaaring makamatay ang sakit kung ito ay hindi maaagapan o kung malala na o ang pagkakaroon ng Weil’s syndrome. Ito ay ang malubhang anyo ng leptospirosis ay nailalarawan sa pamamagitan ng paninilaw ng balat (paninilaw ng balat at mga mata), pagkasira ng kidneys, at pagdurugo.
Paano makakaiwas sa leptospirosis?
– Umiwas sa baha o sa tubig na mula sa bubong o alulod. Paghawak sa container na may tubig na maaaring naihian ng daga.
– Magbota kung dadaan sa baha.
– Magsuot ng gloves kung magga-gardening.
– Bawalan ang bata maglaro sa lupa o putikan lalo na kapag tag-ulan.
– Linisan ang ibabaw ng mga delata na maaaring dinaanan at may ihi ng daga.
– Maging maingat at malinis sa katawan. Magsuot ng mga damit na protektado kayo para makaiwas sa pagdikit sa ihi ng daga.
– Pagtakip ng sugat o paglalagay ng waterproof dressing.

