Lazada, Shopee pinagpapaliwanag sa mga pekeng produkto

Sa mga naglilipanang pekeng produkto, pinagpapaliwanag ngayon ng Department of Trade and Industry ang dalawa sa kilalang online shopping platforms sa bansa – ang Chinese-owned na Lazada at Singapore-based na Shopee.

Dahil sa mga reklamong natatanggap ng ahensya ukol sa mga mapanlinlang na mga produkto, kasama rin dito ang hindi tugmang mga ibinibenta online kumpara kapag ito ay natatanggap na ng mga mamimili. Bunsod nito, binigyan ng 72 oras ang nasabing online platforms para hingin ang kanilang panig kaugnay sa mga reklamo.