Kultura, pamana mahalaga sa pagtataguyod ng ekonomiya

Mula kaliwa, sina Nayong Pilipino Foundation (NPF) Deputy Executive Director for Admin and Finance Atty. Joyce Caigas, Deputy Executive Director for Marketing and Operations Dr. Jovertlee C. Pudan, EnP, Plenary Speaker John Paul Rivera, PhD of the Asian Institute of Management, at si NPF Executive Director Gertie Duran-Batocabe. Kinilala ng NPF ang naging partisipasyon ni Rivera sa 2nd NPF Research Summit National Library of the Philippines sa Kalaw, Maynila noong Nobyembre 22, 2022 (Kuha ng Bilibb)

Kasabay ng tinatamasang better normal sa gitna ng pandemya, naging magandang pagkukunan ng ehemplo para sa pagbangon ng ekonomiya ang kultura at pamana ng bansa ang ginanap na 2nd Nayong Pilipino Foundation (NPF) Research Summit.

Ang forum na tinawag na “Kultura para sa Likas-Kayang Pag-unlad” ay ginanap sa National Library of the Philippines sa Kalaw, Maynila noong Nobyembre 22, 2022.

Naging tema sa forum ang “Noon, NAYON, Bukas: Pamana at Pagsibol ng Bagong Nayon”. Ito ay bahagi kasabay ng ika-50 Anibersaryo ng NPF na isang ahensya ng Department of Tourism.

Dahil nakulong tayo sa ating mga bahay ng dalawang taon dahil sa pandemya dala ng COVID-19, marami ang “pumaparaan” para makalaya at makabangon muli sa naging epekto nito. Isa na sa seryosong isyu ay ang mental health kung saan naging daan ang kultura para maka-recover ang tao mula sa lockdown.

Noong unang bahagi ng 2021, kahit mahigpit pa ang patakaran dahil sa pandemya, naging bukas ang National Museum of the Philippines, National Library at San Agustin Museum para maging daan na maiba ang kapaligiran, at maging maayos kahit paano ang mental health ng tao. Dito naging mahalaga ang ating kultura.

Ayon kay John Paolo Rivera, isang PhD at guest speaker sa nasabing forum, “Culture is indispensable during the pandemic.”

“What more after the pandemic? Economic opportunities. If we can sustain the interest of people in culture and heritage it will generate employment opportunities, new business, and increase property values,” dagdag pa ni Rivera.

Ang special panel sa 2nd NPF Research Summit ay ang tatlong personalidad ng Far Eastern University na sina, simula ikatlo mula sa kaliwa, Romeo Galang, Jr., Sara Mae San Juan at Cecilia Bethina Elmido. Ang kanilang kontribusyon ay kinilala nina, mula dulong kaliwa, Nayong Pilipino Foundation Deputy Executive Director for Admin and Finance Atty. Joyce Caigas, Deputy Executive Director for Marketing and Operations Dr. Jovertlee C. Pudan, at Executive Director Gertie Duran-Batocabe. (Kuha ng Bilibb)

Kung maiingatan ang kultura at turismo ay humahaba ang mga silbi nito sa atin. Ito rin ang paniniwala ng special panel na pawang mula sa Far Eastern University. Dito ay tinalakay ang “Implication of Changing Style and Environmental Degradation on the Aesthetics of a Philippine Ancestral House” ni Romeo B. Galang, Jr.; “A Guide in the City Noir in Selected Cultural Texts” ni Cecilia Bethina Elmido; at “Ang Toreng Goma sa Pasalitang Tunggalian: Pagsusuri sa Balagtasan at Bagsakan Gamit ang Rubber Tower ni Cirilo F. Bautista” ni Sara Mae San Juan.

“It could not be timelier that this summit is happening today as we get to inculcate the crucial role of culture and heritage in the overall planning for economic development. It is about time we put our distinct Filipino culture front and center, so much so to drive a Filipino sense of identity and respect for heritage across the Philippines,” pahayag ni NPF Executive Director Gertie Duran-Batocabe.