Sinuspinde na ang pasok bukas, Oktubre 29 sa lahat ng antas ng paaralan sa buong lalawigan ng Albay – pribado man o pampubliko.
Ito ay sa kautusan ni Albay Acting-Governor Glenda Bongao matapos na itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Silangang bahagi ng lalawigan.
Gayundin, ipinag-utos ni Bongao na walang paglalayag ng anumang sasakyang pandagat para sa kaligtasan ng lahat.


