Khryss Go, puspusan ang paghahanda sa Miss Aura Int’l Philippines

Si Khryss Go sa kanyang official photo bilang Miss Aura International Philippines '23. (Kuha ni Yuki Ito)

Puspusan na ang paghahanda ni Khryss Go sa nalalapit nitong pagsabak sa Miss Aura International na gaganapin sa Türkiye sa huling linggo ng Setyembre.

Si Khryss, isang Bulakenyang tubong Malolos City, ang nakakuha ng titulong Miss Aura International Philippines na ginanap noong June 23 kung saan nakalaban niya rito ang iba pang 20 kandidata. Si Khryss ang siyang magiging representante ng bansa para sa pinaghahandaan nitong beauty pageant.

Susubukang mapanatili ni Khryss ang magandang winning record ng Pilipinas sa pageant na unang napanalunan ni Alexandra Faith Garcia noong 2021 at Mica Rosal bilang Top 10 semifinalist noong nakaraaang taon.

Sa Khryss Go kanyang official swimsuit photo. (Mula sa Miss Aura Philippines Facebook page).

Agad na sumabak sa official photo shoot si Khryss sa ilalim ng mahusay na photographer na si Yuki Ito. Suot ng kandidata ang kanyang evening gown na Middle East-inspired. Ang mga larawan niya ang magsisilbing official photos ng dalaga. Nakatakda ring magkita at makipag-usap si Khryss kay Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia upang makakuha ng information fillers sa kung ano ang kanyang maaasahan at pointers na dapat tandaan habang nasa international competition.

Isang malaking karangalan at responsibilidad para kay Khryss na katawanin ang Pilipinas sa isang international na timpalak kung kaya’t sanib puwersa ang ilan sa mahuhusay na pageant mentors ng bansa upang i-assist siya sa kanyang preparasyon. Ito ay sina Chiqui Francisco at Hershey Shola Santiago, local pageant organizers ng Bulacan kung saan nadiskubre ang dalaga, katuwang sina Jojo Mangalino at Andrew Duma-up para sa passarella at stage projection, at ang inyong lingkod Francis D. Calubaquib para sa Communication at Publicity.

Si Miss Aura Philippines Khryss Go sa kanyang formal gown.

Sa angking ganda, sipag, tiyaga at determinasyon, at four B’s: Beauty, Body, Brains at Behavior, na pagunahing hinahanap sa winner, hindi malayong magtagumpay si Khryss sa kanyang pangarap na maging full pledged beauty queen maging sa local at international level.

Mula sa Bilibb.ph, good luck, Khryss Go! Patuloy na itaas ang bandila ng Pilipinas tungo sa tagumpay!

Si Khryss Go sa kanyang official photo bilang Miss Aura International Philippines ’23. (Kuha ni Yuki Ito)