Khryss Go, pambato ng Bulacan sa Miss Aura Philippines 2023

Khryss Go (Mula sa Miss Aura Philippines 2023 Facebook page)

Tila itinakda ng tadhana para sa isang magandang Bulakenya ang pagiging beauty queen. Ito ay napatunayan ng 19 taong gulang na taga-Malolos na si Khryss Go. Isang 3rd year BS in Nursing student ng FEU-Manila at anak ni nina Khris Dan S. Go at Carmelo Nocole J. Go, mga kapwa nurses at negosyante.

Sa pagbisita sa isang gown and costume shop sa Bulacan, nadiskubre si Khryss ng isang talent scout, nakumbinse at nakausap ang kanyang mga magulang kung nais nila itong maisali sa pageant. Dahil sa angking ganda, talino at matulunging puso, naging madali para sa dalaga na makopo ang mga titulo at korona sa local pageants sa lalawigan ng Bulacan. Ilan sa mga titulong kanyang nakuha ay ang Lakambini ng San Roque 2022, Binibining Mojon 2022, Binibining Malolos 2022, at ang Binibining Bulacan-Aura 2022 na siyang naging tulay upang mapasama siya bilang kinatawan ng Bulacan sa Miss Aura Philippines 2023.

Khryss Go (Mula sa Miss Aura Philippines 2023 Facebook page)

Sa kanyang pagiging local beauty queen, nagbukas ito ng panibagong karanasan at oportunidad sa pagiging involved sa charitable activities at makita ang mga tunay na pangangailangan ng mga kababayan. Nagbigay ito ng motivation at inspirasyon sa kanya upang simulan ang Go for your Passion Advocacy, isang program na naglalayong palawakin ang kanyang charitable endeavors, “i-empower ang exploited and disadvantaged families, orphaned children, single parents, abused women and children and helped them in their fight for a better life and to also encourage others most specially the youth to also go and find their passion.”

Ang kanyang pagsali sa Miss Aura Philippines 2023 ay upang maipaabot ang mensahe ng layunin ng kanyang adbokasiya at makakuha ng suporta sa mga grupo at indibiduwal na may kahalintulad na layuning makatulong sa kapwa.

Si Khryss Go (kaliwa) kasama ang iba pang kandidata ng Miss Aura Philippines 2023. (Mula sa Miss Aura Philippines 2023 Facebook page)

Bago pa man ang pageant finals, nakitaan na si Khryss ng malakas na potensyal  sa pagkakasama niya sa ilang special awards category at pagkakabilang niya sa mga top 3 ng Best in Tourism Video, Ara Colours Mermaid Manila, UFC Gym, Miss Silka at Top 5 Best in National Costume.

Hindi kinakailangang maging extra-ordinary para makagawa ng mga ekstra-ordinaryong bagay, may magandang layunin sa pagsali sa pageants, bukod sa pansariling pangrap at layunin.

Si Khryss Go (kanan) kasama kasama sa top 3 ng Miss UFC Gym. (Mula sa Miss Aura Philippines 2023 Facebook page)

Ang Miss Aura Philippines Pageant ay gaganapin sa Biyernes, Hunyo 23, 2023 sa ganap na ika-7 ng gabi sa Richmonde Hotel Ballroom, Eastwood City, Libis, Quezon City. Ang mananalo ang siyang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Aura International Pageant na gaganapin sa Turkey bago matapos ang taon.

Mula sa Bilibb.ph hangad namin ang iyong tagumpay sa mas malalaking pageant journey, Miss Khryss Go!

Khryss Go (Mula sa Miss Aura Philippines 2023 Facebook page)
Si Khryss Go (kaliwa) bilang isa sa top 3 ng Mermaid Manila. (Mula sa Miss Aura Philippines 2023 Facebook page)