Kanto Kultura: #EatPRayLoveLipa konsyertong libre sa publiko

Acapellago

Sa pamamagitan ng programang Kanto Kultura, tinutupad ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang layunin nito na pagyamanin ang susunod na henerasyon ng mga artista at madla na nagpapahalaga at sumusuporta sa malikhain at kultural na aktibidad sa pamamagitan ng pagdadala ng mga nakakaakit na karanasan sa sining at kultura sa bawat kanto ng bansa.

Ang Kanto Kultura, isang flagship initiative ng CCP Board of Trustees ay naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga Filipino artist na gumawa ng mga obra na nagpapakita ng originality at pagkapamalikhain. Ang programa ay nagsimula noong Pebrero 2021, at ang bagong yugto ay magsisimula sa Mayo 19 sa ganap na ika-7 ng gabi sa Plaza Independencia Lipa Stage sa Lipa, Batangas.

Charm Aranton

Itatampok sa “The first edition” ng Kanto Kultura ang mga pagtatanghal ng violcalist na si Jobry Cimafranca, singing group na Acapellago, at iba pang local talents mula sa Lipa. Ito ay iho-host ng ‘Suntok sa Buwan’ actress na si Charm Aranton.

Bago ang konsyerto, magkakaroon ng Flores de Mayo sa ika-4:30 ng hapon, at misa sa ika-5:30 ng hapon. Magkakaroon din ng baraptasan (pagsasama-sama ng mga salitang balagtasan at rap), Sublian (isang tradisyonal na sayaw ng Batangas) na pagtatanghal, hip hop dance, at buskers, at iba pa.

Jobry Cimafranca

Sa pakikipagtulungan ng local government unit ng Lipa, Batangas, ang Kanto Kultura: #EatPRayLoveLipa ay libre at bukas sa publiko.

Bisitahin ang website ng CCP (www.culturalcenter.gov.ph) para sa karagdagang impormasyon. Suriin ang opisyal na CCP at Facebook page at sundan ang CCP sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok para sa pinakabagong update sa iba’t ibang programa at palabas nito.