Kailangan pa ba ng bathroom rug?

Ang pagkakaroon ng bathroom rug ay depende sa kagustuhan natin.

Kadalasan, ang pagalalagay ng bathroom rug sa loob ng banyo ay sa magagandang klase ng bahay o sa private comfort rooms sa mga opisina lalo na ang mga high-end na uri nito.

Sa tanong na kailangan pa ba ng bathroom rug ay iikot ito sa bentahe at disbentahe ng nasabing item.

Ano-ano ba ang mga bentahe at disbentahe sa pagkakaroon ng rug sa loob ng paliguan?

MGA BENTAHE:

  1. Kaligtasan ang ikinokonsidera kapag gustong magkaroon ng bathroom rug. Ito ay dahil iwas-dulas kapag basa ang sahig.
  2. Mas hygienic ang inyong space sa pagkakaroon ng bathroom rug. Napapatuyo nito ang mga basang paa o ang tiles.
  3. Kagandahan – dagdag ganda, dekorasyon at estilo rin sa banyo lalo na kung maganda rin ang kalidad at disenyo nito.

MGA DISBENTAHE:

  1. Hygiene rin ang isyu dahil sa nababasa ang bathroom rug ay nag-a-attract o nag-i-invite ito ng maraming germs o bacteria. Mas tumatagal na hindi naaalis o nalilinisan ang bathroom rug ay mas nagiging prone sa sakit ang taong gagamit nito. Kahit pa ang quick-dry na klase ay puwede pa ring pamugaran ng mga bacteria.
  2. Nakakaliit ng hitsura ng banyo ang pagkakaroon ng bathroom rug. Kapag maliit ang banyo at maraming mga bagay pa ang nasa loob nito kabilang ang rug ay nagmumukhang maliit ang lugar.
  3. Dagdag labahin ang pagkakaroon ng bathroom rug. Isipin ninyo na maliban sa doormat na nasa labas mismo ng banyo ay may kailangan ding linisan at palitan nang regular na rug sa loob nito.
  4. Hindi lahat ng bathroom rug ay magandang klase lalo na ang mga mumurahin uri nito. Kapag hindi maganda ang kalidad ay madaling masira na maaaring makapahamak pa o maging kalat kapag unti-unti na itong nasisira o nagpipira-piraso.

Kaya sa sagot kung kailangan pa ba ng rug sa loob ng banyo ay depende iyan kung kaya ninyo itong imantina sa pagkakaroon ng bentahe nito sa inyo.