Kahit payat puwedeng magka-fatty liver

Ang fatty liver, medikal na kilala bilang hepatic steatosis, ay isang kondisyon na naglalarawan sa akumulasyon ng labis na taba sa loob ng cells ng atay.

Ang kaunting taba sa atay ay natural at kailangan ngunit kapag ang taba ay lumabis sa 5% ng timbang ng atay, kinokonsidera na itong fatty liver. Samantala, ang akumulasyon ng labis na taba ay maaaring mangyari dahil sa iba’t ibang mga dahilan, kabilang ang labis na pag-inom ng alak, labis na katabaan o obesity, diabetes, at ilang mga gamot. Ang ilan ay maaaring makaranas ng discomfort o pananakit sa kanang itaas na bahagi ng tiyan, lalo na pagkatapos ng pisikal na aktibidad o sobrang exercise.

Ang atay ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pag-metabolize ng mga taba, at kapag ito ay nalulula sa paggamit ng mga sangkap na ito o kapag ang katawan ay nabigo na masira ang mga ito nang mahusay, ang taba ay nagsisimulang maipon.

Mga indikasyon na maaaring may fatty liver

– Pagkakaroon ng malaking tiyan o pot belly. Ito rin ay may koneksyon sa visceral fat

– Ibang mag-crave sa matatamis na pagkain at inumin

– Regular na pagkonsumo ng soda or softdrinks

– Regular o malakas uminom ng alak

 

2 klase ng fatty liver

1- Nonalcoholic fatty liver disease (NAFLD). Ito ay sakit na walang kinalaman sa labis na pag-inom ng alak. Ang NAFLD kung saan mayroong taba sa atay pero kaunti/no inflammation (pamamaga)/liver cell damage ay tinatawag ding metabolic-dysfunction related fatty liver disease. Ang malalang klase ng NAFLD ay tinatawag na non-alcoholic steatohepatitis (NASH) kung saan mayroong fat deposition (naipon), pamamaga, gayundin ang pilat sa atay.

Mga dahilan ng peligro ng NAFLD

– insulin resistance

– type 2 diabetes

– obesity

– dyslipidemia

– metabolic syndrome gaya ng pagkakaroon ng diabetes, high lipid levels, hypothyroidism, high uric acid

– genetic history o kalahing mayroon nitong sakit

– paninigarilyo

– stress

– erratic sleep schedule o kahirapan sa pagtulog

– pag-inom ng ibang gamot

– heavy metal toxicity tulad ng lead, mercury, arsenic, cadmium, at chromium, mga natural na element na maaaring makuha sa pagkain, paglanghap sa industrial areas

– pagkonsumo ng processed foods

2- Alcoholic fatty liver disease, nakilala rin sa tawag na alcoholic steatohepatitis. Ito ang sobrang pag-inom ng alak kahit pa nagawa lamang sa loob ng ilang araw na maaaring humantong sa fatty liver. Ang atay ang lugar kung saan mine-metabolize ang alak, kaya ang maximum damage ay maaaring mangyari rito. Ito ang unang stage ng alcohol-related liver damage.

Kahit ang mga payat ay maaaring magkaroon ng fatty liver

– Kung ang payat ay nainom ng alak, tandaan na ang alak ay matatawag na empty calories. At ang empty calories ay ginagawang taba ng atay

– Kulang sa mucles ang mga payat. Ang may malalaking muscles lalo na sa trunk, na kilala bilang core muscles, ay kadalasang pinoprotektahan laban sa pagkakaroon ng fatty liver dahil ang muscles na ito ay ang nagsusunog ng taba

– Bagama’t ang fatty liver ay maaaring maging benign at asymptomatic sa mga unang yugto nito, ito ay may potensyal na mag-progress sa mas malalang kondisyon, kabilang ang NASH, fibrosis, at kahit cirrhosis, na maaaring humantong sa liver failure at iba pang malubhang komplikasyon sa kalusugan.

 

Dagdag kaalaman

Ang fatty liver din ay maaaring mauwi sa lahat ng klase ng metabolic complications tulad hypertension, arthritis, diabetes, at sup optimal lipid profile.

Sa fatty liver ay mataas din ang peligro sa atake sa puso.

Noong 1980s, ang alak ang pinakarason ng pagkakaroon ng fatyy liver pero sa panahon ngayon ang fructose (uri ng asukal) na ang pinakarason ng pagkakaroon ng nasabing sakit. Ito ay ayon sa Journal of Hepatology and Nature. Kaya maging maingat din sa table sugar (50% glucose, 50% fructose)

Ang pagkalat (prevalence) ng fatty liver ay tumataas sa mga nakalipas na taon, lalo na sa mga populasyon na may laging sedentary life at mga pagkain na mataas sa refined sugar at unhealthy fats. Karaniwang kinabibilangan ng diagnosis ang mga pag-aaral ng imaging gaya ng ultrasound, CT scan, o MRI, kasabay ng mga pagsusuri sa dugo upang malaman ang paggana ng atay.

Ang pangangasiwa ng fatty liver ay kadalasang nakatuon sa lifestyle, kabilang ang pagbaba ng timbang, mga pagbabago sa pagkain, at pagtaas ng pisikal na aktibidad. Sa ilang mga kaso, ang mga gamot ay maaaring inireseta upang matugunan ang pinagbabatayan na mga kondisyon ng metabolic.

Ang maagang interbensyon ay mahalaga upang maiwasan ang paglala ng sakit at upang maisulong ang kalusugan ng atay, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng regular na medikal na pagsusuri at kamalayan sa mga kadahilanan ng panganib na nauugnay sa fatty liver disease.

 

Mga dapat iwasan para maiwasan ang fatty liver

– Fructose gaya ng sobrang prutas kabilang ang fruit juices, honey, maasukal na inumin at pagkain, carbonated drinks at energy drinks

– Higit ding iwasan ang pag-inom ng mga alak