Justine Felizarta para sa Miss Tourism World 2022

Inihayag ngayong araw ng ALV Pageant Circle, ang producer at organizer ng Miss World Philippines sa kanilang opisyal na Facebook Page ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa ika-31 taong edisyon ng Miss Tourism World na si Justine Felizarta.

Si Justine na tubong Davao ay tinanghal na Miss World Philippines Tourism noong nakaraang Hunyo at itinuturing na ring isang beauty pageant veteran.

Justine Felizarta (Miss World Philippines Organization)

Ang Miss Tourism World Organization ay may advocacy that promotes tourism and culture globally and celebrates modern tourism, deepens diversification, and is the fastest growing Tourism Event platform for new destinations.

Justine Felizarta (mula sa kanyang Facebook account)

Ang Grand Coronation Night ng nasabing pageant ay gaganapin sa December 3, 2022 sa Land of ascending dragon, Vietnam. Sa mahaba nitong kasaysayan, dalawang Filipina na ang nakapag-uwi ng korona. Ang mga ito ay sina Suzzane Park Villasenor Fahling noong 1995 na ginanap sa Dominican Republic at Michelle Reyes noong 2002 na ginanap sa Turkey. Kapwa silang produkto ng Bb. Pilipinas at pareho ring tinanghal na 1st runner-up noong 1989 (Fahling) at 2002 (Reyes).

Justine Felizarta (mula sa kanyang Facebook account)
Suzanne Park Villasenor Fahling, Miss Tourism World 1995 (Pageant Throwback Philippines)
Michelle Reyes, Miss Tourism World 2002 (Pageant Throwback Philippines)