Jollibee Chickenjoy best tasting chicken sa Amerika

Kinilala ang Jollibee Chickenjoy na “the best chain fried chicken in America” itong Agosto 15 sa Amerika.

Lumahok ang naturang Pinoy fast food chain sa Amerika kung saan naging kakompetisyon nito ang 15 iba pang global brands sa apat na rounds ng contest ng Eater.com, kilalang international food website.

Sa pinal na tagpo ay natirang naglaban ang Jollibee Chickenjoy ng Pilipinas at Bonchon ng South Korea

Pinanindigan ng Jollibee Chickenjoy ang kanilang brand slogan na “Crispylicious, Juicylicious”, na naging basehan din ni Lesley Suter, ang special projects editor ng Eater.com upang manalo ang manok natin.

“The subtly seasoned skin is as tectonically crunchy as advertised, if loosely attached in such a way as to be able to slide off an entire hunk with one bite. (This actually proved to be a plus, when, two hours later, I dug in with my fingers for a skin-only snack.) But the real surprise here was the chicken itself: satisfyingly light, flavorful in a “tastes like chicken” sort of way, and supremely moist,” bahagi ng paghuhusga ni Suter.

Noong 1998, unang lumipad ang manok ng Jollibee sa Amerika kasama ng iba pang pagkain nila. Simula noon ay hindi na nagpaawat ang Pilipino fast-food chain na ito hanggang sa umabot na ng 88 locations ang kanilang narating sa North America. Malinaw na ipinamamalas nila ang kanilang masasarap na produkto kaya naman kinikilala maging ng mga banyaga.

Sarap talagang lasapin ang tagumpay ng Pinoy. Panalo ang manok natin!