Johnlene Ariola hinirang na Bb. Ilagan 2024

Ang mga itinanghal na beauty titlists na sina (mula sa kaliwa), Bb. Ilagan - Second Runner-Up, Valerie Ann May delos Santos; Bb. Ilagan-Turismo, Sining at Kultura, Clare Arce; Bb. Ilagan 2024, Johnlene Ariola; Bb. Ilagan-Agrikultura, Lalaine Bulan; at Bb. Ilagan - First Runner-Up, Justine Molly Asis. (Kuha ni Azrael Coladilla)

Umabot sa 20 Ilagueñas ang lumahok sa ginanap na Bb. Ilagan 2024 kung saan nasungkit ni Johnlene Ariola ng Brgy. Alibagu ang naturang titulo.

Todo-suporta ang mga tao na pumuno sa City of Ilagan Sports Complex sa lalawigan ng Isabela noong gabi ng Mayo 6 para tunghayan ang pabuloso at isa sa major events ng Mammangi Festival 2024.

Naging hosts dito sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ang model na si Than Perez habang guest star si Alden Richards, Asia’s Multimedia Star at Box Office King, na humarana sa magagandang kandidata.

Ang bagong hirang na Binibining Ilagan 2024 na si Johnlene Ariola mula sa Brgy. Alibagu ng City of Ilagan, Isabela. (Mula sa Facebook page ni Johnlene Ariola)

Si Johnlene ay nagtapos bilang Cum Laude sa kursong BSBA Major in Financial Management mula sa Isabela State University – Cauayan.

Nasa okasyon din ang dating Bb. Ilagan 2023 na si Kristine Joy Guzman na masayang ipinasa ang korona sa bagong beauty queen na si Johnlene.

Ang celebrity guest ng Bb. Ilagan 2024 na si Alden Richards. (Kuha ni George Buid)

 

Binibining Ilagan 2024 Beauty Queens

Bb. Ilagan 2024 – Johnlene Ariola, Brgy. Alibagu – P100,000 cash prize

Bb. Ilagan-Turismo, Sining at Kultura – Clare Arce, Brgy. Alibagu – P50,000 cash prize

Bb. Ilagan-Agrikultura – Lalaine Bulan, Brgy. Bulan – P50,000 cash prize

First Runner-Up – Justine Molly Asis, Brgy. Alinguigan – P30,000 cash prize

Second Runner-Up – Valerie Ann May delos Santos, Brgy. Sindon Bayabo – P25,000 cash prize

Si Bb. Ilagan 2024 habang inirarampa ang kanyang swimsuit sa isinagawang Bb. Ilagan 2024 sa City of Ilagan, Isabela noong Mayo 6, 2024. (Kuha ni Azrael Coladilla)

 

Special Awards

Best in Evening Gown – Johnlene Ariola, Brgy. Alibagu

Best in Casual Wear – Johnlene Ariola, Brgy. Alibagu

Best in Swimsuit Bb. Tingkad – Johnlene Ariola, Brgy. Alibagu

Miss Photogenic – Johnlene Ariola, Brgy. Alibagu

Miss Tingkad – Johnlene Ariola, Brgy. Alibagu

Best in Farmers Creative Attire – Lalaine Baldoz Bulan ng Brgy. Bangag

Bb. Congeniality – Justine Molly Asis, Brgy. Alinguigan

 

Si Bb. Ilagan 2024 sa kanyang evening gown. (Kuha ni Azrael Coladilla)

 

Lalaine Bulan: Best in Farmers Creative Attire

Sumentro rin sa special portion ng Binibining Ilagan 2024 ang Best in Farmers Creative Attire na ipinanalo ni Lalaine Baldoz Bulan ng Brgy. Bangag.

Si Lalaine ang hinirang na Bb. Ilagan-Agrikultura.

Ang kanyang kasuotan na tinawag na “Silweta ng Isang Babaeng Magsasaka” ay likha ng fashion designer na si Kennedy Jhon Gasper.

Ang tradisyong kasuotan ay may camisa, panuelo, tapis, palda o saya, suot na bakya at salakot, at bitbit na basket.

Nirerepresenta ng kasuotan ang mga kababaihang magsasaka ng lungsod ng Ilagan bilang inspirasyon sa kanilang pamilya, agrikultura at komunidad.

 

Suot ni Lalaine Bulan ng Brgy. Bangag, City of Ilagan ang naipanalo nitong Best in Farmers Creative Attire sa katatapos lamang na Binibining Ilagan 2024. (Mula sa Facebook page ni Lalaine Bulan)