Jerusalem Learning Resource Center sa Taguig ipinakilala ng Embassy of Israel in the Philippines

Ang vacant room sa Bagong Tanyag Elementary School na tinawag na Jerusalem Learning Resource Center bilang simbolo ng pagkakaibigan ng Israel at Pilipinas.

Ang Jerusalem Learning Resource Center sa Bagong Tanyag Elementary School (BTES) – Annex A ay opisyal na ipinakilala at binuksan ng Embassy of Israel in the Philippines. Ang proyektong ito ay bahagi ng suporta ng Department of Education kamakailang Brigada Eskwela 2023.

Upang opisyal na ibigay ang Jerusalem Learning Resource Center sa paaralan, si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ay gumawa ng personal na pagbisita at nagpahag.
“Named after the heart of Israel which is Jerusalem, our capital, this library is a humble donation and an unwavering commitment we share towards nurturing the minds of the future generation,” ani Ambassador Fluss.

“This center is our contribution to Brigada Eskwela 2023 and we look forward to participating and contributing to future initiatives and opportunities in the education center,” aniya pa.

Si Taguig City Mayor Lani Cayetano, sa pamamagitan ni Konsehal Jomil Bryan Serna, ang kanyang tagapagsalita, ay nagbigay din ng kanyang pahayag, “This remarkable initiative, made possible through the sponsorship of the Embassy of Israel in the Philippines, is truly a blessing for our community and sets a positive tone for the year ahead. It will serve as a hub for knowledge, lifelong learning, and community engagement. This also reflects Israel’s belief in the transformative power of education, a sentiment that resonates with the values of our city. We express our heartfelt gratitude to the Embassy of Israel for their kind deeds and dedication in providing our students with this invaluable learning resource.”

Sa silid-aklatan, ibinihagi rin nina Konsehal Serna at Ambassador Fluss ang kuwento nina David at Goliath sa mga bata.

Ang story-telling session sa mga bata na pinangunahan nina Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss at Counsilor Jomil Bryan Serna.

Sa kabila ng patuloy na mga hadlang na kinakaharap ng Israel sa pakikipaglaban nito sa Hamas, nananatiling nakatuon ang Israel sa pagpapatibay ng ugnayan nito sa Pilipinas. Nagpahayag ng pasasalamat si Ambassador Fluss sa Pilipinas para sa kanilang suporta sa Israel sa mga kakila-kilabot na kaganapan noong Oktubre 7. Bukod pa rito, hinimok niya ang mga Pilipino na suportahan ang kahilingan na ang 132 hostage na hawak pa rin ng Hamas sa Gaza ay iuwi sa kanilang mga bansa.

Kasama sa mga dumalo sa paglulunsad noong Enero 9 ng Jerusalem Learning Resource Center ang mga miyembro ng kawani ng BTES, mga magulang, mga mag-aaral, at mga kinatawan ng lokal na administrasyon.