Jazminum Marciano, Festival Queen ng Mutya ng Mogpog 2023

Ang mga Mutya ng Mogpog 2023 na itinanghal na mga reyna noong May 6 na sina (mula kaliwa) Festival Queen - Jazminum Marciano; Mutya ng Mogpog Turismo - Clarizz Alburo; Mutya ng Mogpog - Jannah Loslos; at Mutya ng Mogpog Kultura - Eriane Lusterio. (Kuha ng Bethany Photography)

Apat na magagandang binibini ang itinanghal at nagkaroon ng titulo sa Mutya ng Mogpog 2023 na ginanap noong Mayo 6 sa Mogpog Covered Court, Munisipalidad ng Mogpog, Marinduque.

Ang mga nagsipagwagi ay sina Mutya ng Mogpog Kultura 2023 – Eriane Lusterio; Festival Queen 2023 – Jazminum Marciano; Mutya ng Mogpog 2023 – Jannah Loslos; at Mutya ng Mogpog Turismo 2023 – Clarizz Alburo.

Ang itinanghal na Mutya ng Mogpog 2023 Festival Queen na si Jazminum Yumang Marciano na magiging kinatwan ng Kangga Festival ng Mogpog, Marinduque para sa Reyna ng Aliwan Fiesta 2023 na gaganapin sa Hulyo. (Kuha ng Bethany Photography)

Ang okasyon ay idinaos kaugnay ng 216th Founding Anniversary ng Municipality ng Mogpog at kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. Isidore Labrador ng nasabing bayan.

Sa isang maikling online interview, ilang araw matapos ang pageant ay lubos ang pasasalamat ni Festival Queen Jazminum sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya, mga magulang na sina Danilo Ross D. Marciano at Jackielou Yumang Marciano para maabot ang kanyang pangarap na maging beauty queen. Si Jazminum ang magiging kinatawan ng Kangga Festival ng Mogpog, Marinduque sa nalalapit na Reyna ng Aliwan Fiesta.

Ang Festival Queen na si Jazminum Yumang Marciano na tumanggap din ng parangal na Face of Bethany Photography katumbas ng Miss Photogenic Award para sa Mutya ng Mogpog 2023. (Kuha ng Bethany Photography)

Si Jazminum ay incoming freshman sa Marinduque State College at planong kumuha ng kursong Bachelor of Science in Computer Engineering. Siya ay nagtapos nang may karangalan sa high school mula sa Marinduque Academy, Inc.

Katulad ng mga kabataang nagsisimula pa lamang tahakin ang pageantry, lubos na hinahangaan at pinaghuhugutan ng inspirasyon ni Jazminum ang mga naging Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray dahil sa kanilang angking ganda, determinasyon at pagpupursigi.

Ang mga Mutya ng Mogpog 2023 na itinanghal na mga reyna noong Mayo 6 na sina (mula kaliwa) Mutya ng Mogpog Kultura – Eriane Lusterio; Festival Queen – Jazminum Yumang Marciano; Mutya ng Mogpog – Jannah Loslos; at Mutya ng Mogpog Turismo – Clarizz Alburo; (Kuha ng Bethany Photography)

Sa kanyang ganda, tindig, talino at determinasyon, hindi nakapagtataka na makikita nating muli si Jazminum sa mas malaking entablado at prestihiyosong national pageants sa hinaharap.

Mula sa Bilibb.ph congratulations at good luck, Jazminum!