True stories, real letters sa ‘Tiny Beautiful Things’

Isang napakahusay na play ang matutunghayan sa  Tiny Beautiful Things: A Play About Life — In Letters kung saan bida rito ang aktres na si Iza Calzado bilang isang advice columnist.

Ang 80-minute play ay nakasentro sa usapin ng takbo ng buhay, pag-ibig, pamilya, kasiyahan, pagkabigo, pasakit ngunit kapupulutan ng pag-unawa, inspirasyon at muling pagkakaroon ng pag-asa sa kabila ng magugulong sitwasyon sa buhay ng iba’t ibang tao.

Sa play na batay sa bestselling na libro ni Cheryl Strayed, kasama ni Iza rito ang mga karakter na mahusay na ginampanan nina Rody Vera, Gabby Padilla, Ketchup Eusebio, Regina de Vera, at Brian Sy.

Si Iza ang buhay ng kuwento, isang karakter na nakatago sa pangalang Sugar na laging handang magbigay ng tunay at tuwid na payo sa mga nagpapadala sa kanya ng mga sulat. Sa play ay maya’t mayang maririnig ang “Dear Sugar” pero mapapahinto at mapapaisip ka kung anong nilalaman ng kanyang mensahe sa bawat gustong humingi ng kanyang payo. Malalim ang mensahe, may hugot at lahat ay makaka-relate sa bawat kuwento ng karakter.

Ang Tiny Beautiful Things ay mula sa The Sandbox Collective bilang bahagi ng kanilang 10th anniversary. Ito ang kanilang final production ngayong taon. Mapapanood na ito sa Power Mac Center Spotlight, Circuit, Makati na sinimulan (tuwing weekends) ng November 16 at magtatapos hanggang December 8.

Para sa tickets, tingnan dito.

 

Mula sa Facebook page ni Iza Calzado.
Ang ticket sa nakaraang Press Preview na ginanap noong November 16, 2024 sa Power Mac Center Spotlight, Circuit, Makati.