‘Iti Mapukpukaw’ kinilalang Best Film sa Cinemalaya 19

Ang cast ng pelikulang Iti Mapukpukaw na nanalo ng tatlong parangal kabilang ang Best Film sa Cinemalaya 2023. (Kuha ni Kiko Cabuena)

Naging kapana-panabik at nagningning ang gabi ng parangal para sa natatanging pelikula na kalahok sa katatapos lamang na ika-19 edisyon ng Cinemalaya Film Festival sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City noong Agosto 13, ganap na ika-7:00 ng gabi.

Sa pangunguna ng panauhin na si Jasmine Curtis-Smith, ang pagpaparangal ay nagsimula sa pagbibigay ng mensahe ni vice president ng Cultural Center of the Philippines na si Dennis N. Marasigan kung saan ibinahagi niya ang sinisimbolo ng logo ng Cinemalaya na “Balanghai”.

“(Cinemelaya) embodied the energy, imagination, courage, and unbridled spirit that inspires and guides filmmakers to create works that reveal the dynamic and vibrant complexity of what it is to be human and Filipino,” ani Marasigan.

Binigyang kahulugan rin niya ang tema ng Cinemalaya 19 na ilumiNasyon, “Challenging filmmakers and audiences to go beyond the surface and dive to the depths of our nation society.”

Samantala, nagbigay ang Festival Director na si Chris Millado sa PICC para sa pagpayag na ilipat at baguhin ang mga pangalan ng kanilang mga meeting room bilang Cinema Rizal, Bonifacio, Felipe at Palma na may koneksyon sa kultura ng bansa. Pinasalamatan din niya ang mga bumubuo sa Cinemalaya mula sa mga direktor, manunulat, aktor, at iba pa na umabot ng halos 1,000.

Pinahalagahan din ni Millado ang suporta at kooperasyon ng media para sa promosyon ng Cinemalaya sa publiko na naging daan para kumita ang naturang festival mula sa 35,000 kataong nanood.

Pinasalamatan din niya ang Kongreso, Senado at gobyerno kasabay ng hiling, “Sana’y huwag ninyong bawasan kung hindi dagdagan ang pondo ng Cinemalaya at iba pang film festival na katulad nito. Huwag ninyo sanang ibuhos na paminsan sa intelligence fund ang pera ng pamahalaan na siyang ginagamit sa pagmamanman, pagrenta at pagpaslang ng mga Pilipino kung hindi itaya sa pagpapalago ng totoong intelligence; ang kamalayan ng mamayanang Pilipino.”

Sumunod naman ay ang pagpapakilala ng mga hurado mula sa Network for the Promotion of Asian Cinema (NETPAC):

Singrid Andrea P. Bernardo, Edward Paciano Delos Santos Cabagnot, at Utpal Borpujari.

Ipinakilala rin ang mga hurado ng Cinemalaya na sina Neil Daza, Raya Martin, Park Sungho, Lorna Tee, at Shamaine Centenera Buencamino.

Ang mga naging parangal sa Cinemalaya 19:

Audience Choice Award

Short film: Hinakdal ni Arvin Belarmino na tumanggap ng P50,000 cash prize at certificate.

Full length: Rookie nina Samantha Lee at Natts Jadaone na tumaggap naman ng P75,000 cash prize at certificate.

Best sound design

Tether ni Gian Arre na nakatanggap ng Balanghai trophy.

Original Music Sountrack

When this is all over ni Kevin Mayuga na nakatanggap ng Balanghai trophy.

Best Production Design

When this is all over ni Kevin Mayuga na nakatanggap ng Balanghai trophy.

Best Editing

Isla Malsi ng Rookie na nakatanggap ng Balanghai trophy.

Best Cinematography

Martika Ramirez-Escobar ng When this is all over na nakatanggap ng Balanghai trophy.

Best Screenplay

Short film: Hinakdal ni Arvin Belarmino na nakatanggap ng Balanghai trophy.

Full length: Gitling ni Jopy Arnaldo na nakatanggap ng Balanghai trophy.

Best Supporting

Short film: Bon Andrew Lantejas ng Huling Palabas na nakatanggap ng Balanghai trophy.

Full length: Dolly de leon ng Iti Mapukpukaw na nakatanggap ng Balanghai trophy.

NETPAC Award

Short film: Hinakdal ni Arvin Belarmino na nakatanggap ng NETPAC certificate.

Full length: Iti Mapukpukaw ni Carl Joseph Papa na nakatanggap ng Balanghai trophy.