Isyu sa kakulungan ng tubig sa Pinas, nais bigyang solusyon ng Israel

Sa isang pagpupulong, ipinaliliwanag ni Israeli Ambassador to the Philippines na si Ilan Fluss ang maaaring itulong ng kanilang bansa kaugnay sa kakulangan ng mapagkukunan ng malinis na tubig sa Pilipinas. Nasa okasyon din sina Israeli Water and Sewage Authority senior deputy legal adviser na si Tahel Brandes (kaliwa) at Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Carlos Primo David. (Kuha ng Bilibb)

Sumampa na sa mahigit 117 milyon ang populasyon sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Sa paglalahad, nasa 40 milyong Pilipino ang mga walang tamang mapagkukunan ng malinis na tubig. Ito ang isyung tinutukan sa isinagawang press conference sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa Quezon City noong Abril 2.

Pangunahing mga naging tagapagsalita rito ay sina Israeli Ambassador to the Philippines na si Ilan Fluss, Israeli Water and Sewage Authority senior deputy legal adviser na si Tahel Brandes at Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Carlos Primo David.

Nakahanda ang pamahalaan ng Israel na magbigay ng solusyon para mabawasan ang isyu sa kakulangan ng tubig sa bansa para sa milyon-milyong Pilipino. May grupo ng mga eksperto ang Israel na handang makiisa sa pamahalaan ng Pilipinas upang magkaroon ng water system kabilang ang satellite technology sa iba’t ibang lugar na apektado ng isyu. Maaaring isagawa ang proyekto sa pamamagitan ng gobyerno sa gobyernong ugnayan o pribadong sektor sa pribadong sektor na ugnayan.

 

40 milyon walang access sa tubig

Nasa 40 milyong Pilipino ang walang access sa tubig at ito ay mula sa 65 island barangays sa malalayong lugar sa buong bansa kung saan kabilang dito ang north Bohol, Sulu Sea, Jolo, Pangasinan at marami pang iba.

Tuwing tag-ulan, ang freshwater na mayroon sila ay mula lamang sa tubig-ulan na siya ring ginagamit sa kanilang pag-inom, pagligo, o pagluluto. Kung tag-araw naman ay kailangan pang dumayo ng mga ito sa ibang lugar para makakuha ng tubig – bagay na napakagastos at nagdudulot ng stress sa mga ito.

“Our responsibility as an embassy is to identify areas for collaborations,” ani Ambassador Fluss sa isyu ng kakulangan ng tubig sa bansa. “We can take challenges and make them as opportunities. We are here to work with you in order to assist in whatever we can. We must remember that water is life. It is so critical for a country and we are very happy to create new partnerships and new collaborations with the government and private sectors,” ani Ambassador Fluss.