Isyu ba ang hingin ng partner ang privacy sa phone?

Hanggang saan ang pagiging close ninyong mag-partner? Hanggang saan kayo “open book” sa isa’t isa?

Batid natin na hindi lahat ng uri ng relasyon ay pare-parehas, kaya may nagtatagal at hindi nagtatagal.

Sa usaping personal na kagamitan ng bawat partner sa isang relasyon, issue ba ang hawakan ang phone ng may phone?

Bakit mo ba hahawakan ang phone (o anumang gadgets) na hindi sa iyo?

Sa obserbasyon, tatlong bagay kapag “nangialam” ka ng gamit ng iba: duda ka, panloloko, at panghuhusga.

Kapag hiningi ng tao ang privacy sa kanyang mga gamit, hindi ibig sabihin lagi nito ay may itinatago na siya sa iyo.

Kapag nakaramdam ka na kailangan mong hawakan ang phone ng karelasyon mo, maaaring issue ‘yan. Kapag nakaramdam siya na dapat niyang makita ang phone mo, issue rin ‘yan. Anong dapat gawin? Upuan ang problema at mag-usap.

Walang iniwan ‘yan sa pagbukas ng personal computer, sa mga sulat, o wallet.

Kung may basbas na hawakan mo ang phone niya, maganda. Pero kung wala naman, irespeto mo – kanya niya ‘yun at personal na gamit niya.

Nakukuha naman iyan sa magandang usapan at kung ano kayo sa inyong relasyon.