
Noong Nobyembre 13 at 14, bumiyahe si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa rehiyon ng Bicol para opisyal na ibigay ang isang livelihood initiative na suportado ng MASHAV at mag-alok ng tulong sa mga Bicolano na apektado ng bagyo.
Bumisita si Ambassador Fluss kay Mayor Nelson Legacion sa Naga City para ipahayag ang kanyang pakikiramay at suporta sa mga taong naapektuhan ng Bagyong Kristine. Ipinaalam sa Ambassador ni Mayor Legacion ang pinsala ng bagyo at ang kanilang pagsisikap na makabangon. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa mga potensyal na pakikipagtulungan sa iba’t ibang larangan, kabilang ang pagbabawas ng panganib sa sakuna gamit ang advanced na teknolohiya ng Israel.
Ang mga materyales at kagamitan sa paaralan, tulad ng mga printer, tinta, bond paper, notebook, panulat, storage box, first aid kit, at mga suplay sa kalinisan, ay ibinigay ng Israeli Embassy sa pamamagitan ng MASHAV. Limandaang mag-aaral at guro ng Julian Meliton Elementary School ang makikinabang sa mga donasyong ito. “We have been closely monitoring the situation and saw the need to support the Bicolanos. We learned that the school and the students lost their school supplies and equipment due to flooding. We hope these new materials will assist the students with their studies and will inspire them as future young leaders,” ani Ambassador Fluss.
Bukod pa rito, nagpunta ang Israeli Ambassador sa Queen of Peace Children’s Home and Formation Center para maghatid ng pagkain at mga pangunahing gamit, tulad ng mga adult diaper para sa mga matatanda, infant formula, laundry detergent, at diaper. “Women, children—especially orphans—and people with disabilities are among the most vulnerable during disasters,” aniya pa. “We hope this donation offers some relief as they recover from these challenges.”

Bilang karagdagan sa mga pagsisikap sa pagtulong, binisita ni Ambassador Fluss ang site ng Self-Help Group (SHeG) Community Enterprise sa Lupi, Camarines Sur, kung saan pinondohan ng MASHAV ang isang proyektong pangkabuhayan upang bigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na kababaihan. Kasama ni Mayor Lilian Matamorosa ng Lupi, binisita niya ang Missionary Oratorians of Mary Convent kung saan nakaimbak ang mga donasyong kagamitan para makagawa ng cranberry wine at juice. Ang proyekto, sa pangunguna ng dating MASHAV Scholar na si Ms. Nelsie Uy sa pakikipagtulungan sa Caritas Philippines, ay makikinabang sa 80 babaeng negosyante mula sa komunidad. Nag-donate din si Ambassador Fluss ng mga sako ng bigas para sa mga miyembro ng SHeG.
“We hope Israel’s assistance will support their recovery and help generate income. This project aims to empower women economically while preserving local traditions and knowledge,” dagdag pa ni Fluss.
Nagbigay din ang Embahada ng mga sako ng bigas sa mga taga-Lupi sa pamamagitan ng MASHAV. Kasama ni Mayor Matamorosa, tumulong si Ambassador Fluss sa repackaging at pamamahagi ng mga packet ng tulong sa 250 apektadong kabahayan.
