
Sa inaugural event ng alak nito, ang “L’Chaim, Discover Israeli Wine,” na naganap noong December 4, ipinakita ng Israel ang pinakamahuhusay nitong wine collections. Sa pagsasama-sama, ang Israeli Embassy sa Pilipinas, ang Israeli Ministry of Tourism, at ang Israel Ministry of Economy and Industry ay naglalayong i-promote ang Israel bilang isang top wine-loving destination at hikayatin ang mga Filipino wine wholesaler na subukan ang mga Israeli wine.
Ang pagdalo ng Ministro ng Turismo ng Israel na si Haim Katz, ay nagdagdag ng higit na kahalagahan sa pagdiriwang ng alak ng Israel. “In the Jewish culture, wine signifies much more than just a drink, it symbolizes acquaintance, friendship, brotherhood, and the opening of new ways for connections between people,” ani Minister Katz. Binigyang-diin din niya ang apela ng Israel bilang isang natatanging destinasyon ng turista, partikular na para sa Christian travelers.
Binigyang-diin naman ni Ambassador Ilan Fluss ang kahalagahan ng event sa pagbuo ng mga relasyon. “My vision has always been to build bridges of innovation and technology between Israel and the Philippines. Bringing an evening like this to Manila has been a dream come true. L’Chaim is more than just a toast— it’s a celebration of life, friendship, and the bright future we are building together,” ayon sa Ambassador. Mula sa mga ubasan sa Bibliya hanggang sa isang kontemporaryong muling pagsilang, ang alak ng Israeli ay lumago sa isang umuusbong na negosyo, na umani ng international acclaim para sa kahusayan at pagiging maimbento nito, dagdag pa ni Ambassador Fluss.
Si Ms. Ofek Venecianer, ang pinuno ng Israel Economic Mission to the Philippines at isang economic counselor, ay nagpasalamat sa mga kinatawan ng ubasan sa kanilang paglalakbay mula sa Israel, “Tonight, we celebrated not only the craftsmanship of Israeli wines but also the passion, heritage, and innovation that make them exceptional.”
Tinalakay ng dalubhasa sa alak ng Israel na si Haim Gan ang paglago ng industriya ng alak ng naturang bansa at mga internasyonal na parangal. Higit sa 50 mga pagpipilian ng alak mula sa 15 Israeli wineries ay ipinakita sa isang kaganapan na dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno, mga pinuno ng negosyo, mga kilalang tao, mga personalidad sa media, at mga mahilig sa alak.
