Isabela hataw pa rin sa 2024 Bambanti Festival Street Dance at Dance Showdown

Ang street dance na ipinamalas ng bayan ng Santiago City bilang bahagi ng 2024 Bambanti Festival ng lalawigan ng Isabela. Ginanap ito sa Isabela Sports Complex sa City of Ilagan noong Enero 26 kung saan nilahukan ito ng 1,600 dancers mula sa 16 bayan ng lalawigan. (Kuha ng Bilibb)

Sinulog Festival of Cebu, Ati-Atihan of Aklan, Panagbenga of Baguio, MassKara of Bacolod – iilan lamang ito sa mga kilalang pagdiriwang na ginaganap sa Pilipinas, ngunit bukod sa pagiging enggrande, ano pa ang pagkakapareha nga mga ito? Lahat ng ito ay kilala sa kanilang makukulay at masigasig na street dances.

Street dances often depict and celebrate the province’s culture and traditions. These performances often showcase the livelihood and products of the said province, and most commonly, these feature the traditional costumes usually worn by their ancestors.

Ang aktibong street dancers mula sa Dinapigue bilang bahagi ng 2024 Bambanti Festival ng lalawigan ng Isabela. (Kuha ng Isabela PIO)

Sa dakong norte, sa lalawigan ng Isabela, ipinagdiriwang ang Bambanti Festival na taunang event. Tulad ng nakaraang taon, hataw pa rin sila para sa kanilang natatanging okasyon. Ito ay alay para sa masisipag nilang magsasaka dahil pangunahin ikinabubuhay ng mga taga rito ay ang agrikultura. Ang “bambanti” sa pangalan ng kapistahan ay salitang Ilocano na nangangahulugang scarecrow simbolo ng proteksyon sa kanilang maunlad na agri-turismo.

In 2013, the Bambanti Festival was founded as a stand-alone event. It highlights the area’s thriving agriculture and rich cultural legacy. Additionally, it seeks to introduce visitors to Isabeleños’ vibrant tourism and forward-thinking economy.

Ang street dancers ng Cauayan City habang bigay na bigay sa pag-indak bilang bahagi ng 2024 Bambanti Festival ng lalawigan ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Bahagi ng Bambanti Festival ang dalawa sa pinakabidang events na Street Dance Competition at Festival Dance Showdown. Kinabibilangan ito ng 13 munisipalidad at tatlong lungsod na bumubuo sa Isabela. Ang mga ito ay binubuo ng 1,600 dancers mula sa 16 bayan ng lalawigan. Sa pamamagitan ng mga ganitong kompetisyon, naitatanghal ng bawat kalahok ang kanilang lokalidad at ang mga natatangi sa kanilang lugar.

The group participants are divided into Category A, which are the cities, and Category B, which are the municipalities, due to their limitations with regards to resources to ensure fairness in judging.

Ginanap ito sa Isabela Sports Complex na matatagpuan sa City of Ilagan, ang kapital ng lalawigan, noong January 26. Nagsimula ang programa ng 4:30 ng hapon at pinangunahan ito ni Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III na nagbahagi ng talumpati upang pormal na simulan ang programa. Siya, kabilang si overall festival director Nilo Agustin at iba pang mga sektor ng Isabela ang nasa likod ng matagumpay na 2024 Bambanti Festival.

Pabuloso rin ang pagtatanghal ng Alicia dahil sa makulay nilang pagsayaw bilang bahagi ng 2024 Bambanti Festival ng lalawigan ng Isabela. Sa huling bahagi ng kanilang pagtatanghal ay nag-iwan ito ng mensaheng “Love, Alicia.” (Kuha ng Bilibb)

For this year, the Bambanti Festival followed the theme “Ettam Ngana Ta Isabela,” which directly translates to “Tara Na Sa Isabela” in Filipino. Word per word, the phrase “Ettam Ngana Ta Bambanti! Ettam Ngana Ta Isabela!” is featured in the song used in the street dance competition.

Hindi rin maawat ang husay sa pagsayaw ng San Agustin bilang pambato para sa Dance Showdown na bahagi pa rin ng 2024 Bambanti Festival ng lalawigan ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Ang bawat kalahok ay nagpakitang gilas sa pamamagitan ng humahataw at organisadong choreography at makukulay na kasuotan. Mapapansin na ang itsura ng mga kalahok ay hango sa isang bambanti, ngunit dinagdagan ng mga elemento na nagpapakilala sa kanilang lokalidad. Dagdag dito, naitanghal din ang pangunahing pista sa kanilang bayan sa kanilang pagganap. Ang bawat kalahok na grupo rin ay pinangungunahan ng dalawang mananayaw na kadalasan ay kanilang pambato sa Festival King and Queen Costumes.

Kasunod ng Street Dance Competition ay ginanap naman ang Festival Dance Showdown kung saan nagtanghal ang participants ng bawat lungsod at munisipalidad sa entablado upang magpakitang gilas. Dito ay malayang makapipili ang kalahok ng kanilang gagamiting kanta.

Si Isabela Province Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III (nakaberdeng damit) na siyang Director General ng Bambanti Festival 2024 kasama ang mga alkalde mula sa lungsod at munisipalidad ng lalawigan. Sila kabilang si overall festival director Nilo Agustin at iba pang mga sektor ng Isabela ang nasa likod ng matagumpay na kapistahan. (Kuha ng Bilibb)

The Isabela Sports Complex has a seating capacity of 39,000 and on that day, the facility was filled with audience. Every group participant has their own support group, which often shouted their city or municipality whenever their representative takes the front stage. One can feel the enthusiasm and cheerfulness of the event by the mere reactions from the viewers.

For the Street Dance Competition, Category A was won by Jones and Category B was won by Sta. Maria. Meanwhile, for the Dance Showdown, Alicia won from the Category A and Santa Maria won from the Category B.

Hindi nakadalo sa kompetisyong ito si Governor Rodito Albano III dahil kasama siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpresenta bilang Philippine delegation sa isinagawang two-day visit sa Vietnam kung saan pinag-usapan din doon ang agrikultura.

Ang 2024 Bambanti Festival ay ginanap mula Enero 22 hanggang Enero 27.

 

Ang mga nagwagi sa mga kompetisyon

𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 (𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆 𝗔)

  1. Jones
  2. Alicia
  3. Echague

𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 (𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆 𝗕)

  1. Santa Maria
  2. Cabatuan
  3. Quirino

𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗦𝗵𝗼𝘄𝗱𝗼𝘄𝗻 (𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆 𝗔)

  1. Alicia
  2. Echague
  3. Jones

𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗦𝗵𝗼𝘄𝗱𝗼𝘄𝗻 (𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆 𝗕)

  1. Sta. Maria
  2. Quirino
  3. Luna