Ang Pilipinas ay nakatakdang mag-host ng pinakamalaking pagpupulong ng mga choir sa darating na Palawan International Choral Summit, na gaganapin mula Agosto 13 hanggang 16, 2025, sa iba’t ibang lugar sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ito ay lalahukan ng iba’t ibang grupo ng choir mula sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ang prestihiyosong summit na ito ay binubuo ng apat na pangunahing bahagi: Festival Exhibition, National Competitions, International Competitions, at International Choral Conference.
Ang iba pang activities ay masterclass, conference, fiesta booths, festival kits and souvenir programs, special tours of the islands at marami pang iba.
Ang Festival Exhibition ay magpapakita ng magkakaibang hanay ng mga non-competing at parehong local at international choirs, na nagpapahintulot sa mga kalahok na makisali at pahalagahan ang mayamang kultural na tapiserya ng Palawan.
Samantala, tutukuyin ng National Competitions ang mga nangungunang choir mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas, na nagbibigay ng natatanging platform para sa mga lokal na grupo na ipahayag at ipagdiwang ang kanilang mga rehiyonal na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng musika.
Para sa iba pang impormasyon, mag-log lang sa www.nafci.com para sa national choir festival at sa www.ppicf.com para sa international choir festival. Ipahahayag naman sa mga susunod na araw ang pagsusumite ng mga pananaliksik o research paper para sa international choral conference.
Para sa karagdagang kaalaman, mag-log on www.nafci.com or email at filipinochoirs@gmail.com.

