Inflation rate noong Disyembre umakyat sa 8.1%

Ito ang isang bahagi ng pamilihan sa simbahan ng Quiapo sa Maynila. Sa mga bilihin na ating makikita sa merkado, apektado tayo ng pagtaas ng mga presyo nito at ito ang tinatawag na inflation. Ito ang pagtaas ng karaniwang binibili ng mga konsumer – produkto man o serbisyo. (Kuha ng Bilibb)

Tumaas sa 8.1% ang inflation rate ng Pilipinas noong Disyembre 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) itong Huwebes.

Sa nakaraang report ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nanatiling mataas ang inflation noong nakaraang buwan dahil sa mataas na presyo rin ng kuryente at mga produktong pang-agrikultura.

Noong nakaraang buwan din, sinisilip na ang pagtaas ng inflation ay dahil sa mga pagkain at mga hindi nakalalasing na mga inumin – nag-ambag ito 38.9% sa kabuuang inflation.

Ano ba ang inflation na ito?

Napakaraming Pilipino na ang pokus ngayon ay ang inflation rates ng Pilipinas. Ano ba ito?

Sa mga bilihin na ating makikita sa merkado, apektado tayo ng pagtaas ng mga presyo nito at ito ang tinatawag na inflation. Ito ang pagtaas ng karaniwang binibili ng mga konsumer – produkto man o serbisyo.

Mas mauunawaan ito ng publiko sa kosepto ng Consumer Price Index (CPI) na nagpapakita ng kung gaano kalaki ang itinaas ng CPI sa nakalipas na buwan o taon.

Halimbawa, kung ang taunang inflation rate ay mas mataas sa isang partikular na panahon, ibig sabihin ang karaniwang presyo ng bilihin ay mas mataas kumpara sa presyo nito sa parehong panahon noong nakaraang taon (o buwan).

Pahayag pa ng Philippine Statistics Authority

Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Disyembre 2022 kaysa noong Nobyembre 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.

Ito ay may 10.2 percent inflation at 38.9 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga Vegetables, Tubers, Cooking Bananas at iba pa, partikular ang repolyo, Bigas, at Fruits and Nuts, tulad ng saging.

Ang pangalawang commodity group na nag-ambag sa mas mataas na antas ng inflation nitong Disyembre 2022 ay ang Restaurants and Accommodation Services na may 7.0 percent inflation. At 24.8 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Ito ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Restaurants, café and the like na may 7.0 percent inflation.

Ang pangatlong dahilan ng pagtaas ng inflation nitong Disyembre 2022 ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may 7.0 percent inflation at 11.0 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Ito ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga LPG, na may 1.8 percent inflation; at Kahoy na panggatong, na may 6.8 percent inflation.

Nakaambag din sa pagtaas ng inflation ang Bayad sa tubig, na may -1.1 percent inflation.

Pagdating sa overall inflation nitong Disyembre 2022, ang pangunahing nag-ambag ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 10.2 percent inflation at 48.1 percent share.

Ang mga pangkat ng pagkain na pangunahing nag-ambag sa inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mga Vegetables, Tubers, Cooking Bananas at iba pa, partikular ang sibuyas, Meat and Other Parts of Slaughtered Land Animals, gaya ng manok, at Sugar, Confectionery and Desserts, tulad ng refined sugar.

Ang bahagi ng ulat ng Philippine Statistics Authority sa pagtaas ng inflation rate noong nakaraang buwan.

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may inflation na 7.0 percent at 18.7 percent share sa pangkalahatang inflation.

Ang mga pangunahing nag-ambag sa inflation ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels ay ang mga Kuryente, na may 20.1 percent inflation; Renta sa bahay, na may 4.0 percent inflation; at Kahoy na panggatong, na may 6.8 percent inflation.

Ang Transport ang ikatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Disyembre 2022. Ang commodity group na ito ay nagtala ng 11.7 percent inflation at 13.2 percent share.

Ang mga pangunahing nag-ambag sa inflation ng Transport ay ang mga Other Passenger Transport by Road, tulad ng pamasahe sa jeep, na may 13.5 percent inflation; Diesel, na may 40.3 percent inflation; at Gasoline, na may 11.3 percent inflation.

Sa labing tatlong (13) commodity groups, siyam (9) ang nagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong Disyembre 2022.

Samantala, nagpakita ng pagtaas ng presyo ngunit sa mas mabagal na antas nitong Disyembre 2022 ang Transport, na may 11.7 percent inflation.

Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong Nobyembre 2022 ang mga Information and Communication, Education Services, at Financial Services.

Samantala, ang core inflation sa bansa ay bumilis din sa antas na 6.9 percent nitong Disyembre 2022.

Pagdating sa National Capital Region, ang inflation nitong Disyembre 2022 ay tumaas sa antas na 7.6 percent.

Ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng antas ng inflation sa National Capital Region ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Restaurants and Accommodation Services na may 9.5 percent inflation at 46.4 percent share nitong Disyembre 2022.

Ito ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Restaurants, café and the like na may 9.5 percent inflation.

Ang pangalawang commodity group na nagpakita ng mas mataas na antas ng inflation sa National Capital Region ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may 4.0 percent inflation at 42.4 percent share sa pagtaas ng inflation nitong Disyembre 2022.

Samantala, nagpakita naman ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ang mga Mais, Meat and Other Parts of Slaughtered Land Animals, partikular ang baboy, Fish and Other Seafood, gaya ng dilis, at Oils and Fats, tulad ng cooking oil.

Ang pinakamataas na inflation sa mga rehiyon sa labas ng National Capital Region nitong Disyembre 2022 ay sa Region VI o Western Visayas na nagtala ng 10.5 percent inflation.

Samantala, ang pinakamababang inflation sa mga rehiyon sa labas ng National Capital Region nitong Disyembre 2022 ay nanatili sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nagtala ng 6.3 percent inflation.

Kung ihahambing sa inflation na naitala sa mga rehiyon sa labas ng National Capital Region noong Nobyembre 2022, labing-isang (11) rehiyon ang nagtala ng mas mataas na inflation nitong Disyembre 2022.

Samantala, apat (4) na rehiyon naman ang nagtala ng mas mababa na inflation nitong Disyembre 2022.

Habang ang CALABARZON ay nanatili sa kaniyang antas ng inflation noong Nobyembre 2022.

Ang inflation sa Bottom 30% Income Households ay nananatiling nasa 2012 base year. Simula sa susunod na buwan, iuulat na ng PSA ang inflation para sa Bottom 30% Income Households sa 2018 base year.

Nitong Disyembre 2022, ang inflation sa Bottom 30% Income Households ay nasa 7.9 percent.

Ang average inflation para sa Bottom 30% Income Households mula Enero hanggang Disyembre 2022 ay naitala sa 5.3 percent.

Ang mga pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation para sa Bottom 30% Income Households nitong Disyembre 2022 ay ang mga commodity groups na Food and Non-Alcoholic Beverages, Restaurants and Miscellaneous Goods and Services, at Clothing and Footwear.