Inasal na manok, sisig ng Pinas kinilala ng Taste Atlas

Kamakailan ay kinilala ang bansa sa natatanging mga putahe natin tulad ng inasal na manok at sisig.

Ang inasal na manok ay isang uri ng inihaw na pagkain na nagmula sa Bacolod, ang capital ng lalawigan ng Negros Occidental.

Ang hindi matatawarang sarap ng uri ng pagkakaluto sa manok na ito ay pang-35 sa listahan ng “2022 Best Traditional Dishes in the World” ng Taste Atlas. Nakakuha rin ito ng grado na 4.63 stars.

Sinasabing ang Taste Atlas ay kilalang platform ng mga pagkain sa buong mundo na nakatuon sa pagsulong, pagbebenta ng mga lokal na pagkain, tradisyonal na sangkap, na may directory ng mga tunay na restaurant.

Ang inasal na manok ng Pilipinas na itinampok sa website ng Taste Atlas. Nakamit ng Inasal na Manok ang ang 2022 TasteAtlas Awards: Best Traditional Dishes in the World na nasa ika-35 sa listahan. 

“Inasal na manok is a unique Filipino grilled chicken dish which originated in Bacolod and became the signature dish of the entire Visayas region. It employs various chicken cuts marinated in a mixture of vinegar and numerous spices such as lemongrass, garlic, and ginger,” paglalarawan ng Taste Atlas.

Samantala, isa pang nahanay sa listahan ng Taste Atlas ay ang masarap nating sisig na may gradong 4.54 stars.

Ang sisig ay lokal na pagkain at pulutan ng Pampanga. Masarap din ang pagkakalarawan ng nasabing food website rito.

Ang sisig na itinampok sa website ng Taste Atlas. Nakamit ng sisig ang ang 2022 TasteAtlas Awards: Best Traditional Dishes in the World na nasa ika-62 sa listahan. 

“Sisig is a popular Filipino dish made by boiling, chopping, and grilling parts of pig’s head such as ears, cheeks, and jowls, which are then seasoned with salt, pepper, and vinegar, ayon sa Taste Atlas. “The meat is combined with fried onions, sili, and chicken livers, and the whole concoction is traditionally topped with a raw egg. Some cooks like to add mayonnaise or pork cracklings into the dish for extra flavor.”

Dahil sa masasarap na pagkain ng Pilipinas, kinilala pa tayo bilang ika-23 sa 2022 Taste Atlas’ World’s Best Cusines.