Ilagan Sanctuary: Katuwang sa Turismo ng Isabela

Ang Zip Bike na isa sa mga aktibidad na puwedeng gawin sa Ilagan Sanctuary. (Kuha ng Bilibb)

Kung balak ninyong mapadpad sa Ilagan, malamang na maghanap kayo ng puntahin dito na magbibigay kasiyahan habang kasama ang pamilya, barkada o kahit partner pa!

Ipinagmamalaki ng Ilagan City, sa lalawigan ng Isabela, ang natatangi nitong Ilagan Sanctuary na may sukat na tinatayang 200 ektarya na matatagpuan sa barangay Santa Victoria.

Ang Animal Kingdom kung saan iba’t ibang mga hayop ang matatangpuan dito. Isa itong zoo na nasa loob ng Ilagan Sanctuary.

Sa lawak, ganda, at sa dami ng mga puwedeng gawin dito, itinuturing itong katuwang ng Isabela sa pag-unlad ng kanilang turismo. Ito ang aming napag-alaman nang maimbitahan at magtungo kami sa lungsod ng Ilagan para sa pagdiriwang ng kanilang Mammangi Festival.

Ang sanctuary na ito ay bahagi rin ng Fuyot Spring National Park, isang protected area alinsunod sa Proclamation No. 327 na sumasaklaw sa 819 ektaryang lupain na sakop ng apat na mga barangay.

Nasimulang pagandahin ang lugar upang maging sanctuary noong 2009 at sa paglipas ng panahon ay parami nang parami ang atraksyong matatagpuan sa loob nito. Samantala, noong Marso 13 lamang ay nagkaroon ito ng Grand Reopening Ceremony kaya’t bagong-bago at magpapatuloy pa upang makapagbigay sa mga dayo para sila ay ma-relax, ma-unwind, at mag-enjoy nang todo. Pansamatala kasi itong nagsara at sumailalim sa mahigit isang buwang rehabilitasyon at ginastusan ng mahigit sa P30 milyon upang lalong mas mapaganda.

Ang Cable Car na nakaka-challenge ring subukan sa loob ng Ilagan Sanctuary. (Kuha ng Bilibb)

Challenge, adventure, atbp.

Sa loob ng atraksyon, isang malaking hamon din kung mapapabilang ka sa kayang humawak at magbuhat ng phyton trained zoo attentands ang makakasamang umalalay para sa hamon na ito.

Maliban sa tatlong kuweba (Main, Altar, at Adventure) na kakikitaan ng iba’t ibang klase at magagandang ng rock formation, atraksyon din sa lugar ang hardin ng mga buhay na buhay na mga bulaklak.

Ang looban ng isa sa tatlong kuwebang matatagpuan sa Ilagan Sanctuary.

Mayroon din ditong Animal Kingdom na isang zoo sa loob ng sanctuary kung saan malapitang matatanaw at posible ang paghawak sa ibang mga hayop na naririto.

Anong mayroon o puwedeng gawin sa Ilagan Sanctuary?

– Prayer mountain

– Zipline

– Zip bike

– Cable car

– Kiddie bikes

– Kiddie scooters

– Go kart

– Zoo

– Caves

– E-bike

– E-scooter

– Horseback riding

– Tiger petting

– Fish feeding

– Pigeon feeding

– Swimming pool

– Boating: Swan boating, Motorized boat

– Pinzal Falls

Ang python na ito na 18 taon gulang na ay may bigat na mahigit sa 120 kilo. Ito ay nasa Animal Kingdom na nasa loob ng Ilagan Sanctuary. (Kuha ng Bilibb)

Ang bayad sa entrance ay P150 kada bisita o hindi taga-Ilagan ngunit may diskuwento para sa seniors, persons with disabilities, at iba pa. Mas mababa rin ang bayad kung kayo ay residente ng ibang lugar sa Isabela.

Operational Hours:

8:00 AM to 6:00 PM – Monday – Thursday

8:00 AM to 10:00 PM – Friday, Saturday, Sunday