Icons sa packaging ng beauty products, ano ito?

Wala ba kayong idea kung kailan mapapaso ang beauty product na binili ninyo?

Marami ang partikular sa atin sa expiration date ng mga produkto – pagkain man ito o beauty products? Nagtataka naman tayo kung bakit tila may ibang mga produktong pampaganda na walang expiration date, pero wala ba talaga?

Kung inyong mapapasin, may icons na makikita sa label ng products (kalimitan ay sa likod) na nagsasabi ng mga detalye nito: expiration date o best before date, safe ba ito, paano ginawa, at iba pa.

Sa icon na ito, pinakikita ang “1M”, “3M”, “6M”, “12M”, at iba pa. Ang numero ay tumutukoy sa bilang habang ang “M” ay para sa month o buwan. Ipinakikita na sa bawat icon ay nagpapahiwatig ito ng tinantyang petsa na dapat gamitin ang produkto sa sandaling mabuksan. Halimbawa, kung ang icon ay 6M ang ipinakikita, dapat itong magamit sa loob ng anim na buwan magmula nang mabuksan ang produkto.

Iba pang tips

Dapat ding tandaan na kapag nasa pormang liquid ang produkto ay maiksi ang shelf life nito kumpara sa powder o dry na uri nito. Mabilis pasukan ng bacteria ang liquid products gaya ng liquid foundation, eye makeup, at iba pa. Gayundin, dapat maging maingat na kahit dry ang products, iwasang mabasa ang mga ito. Iwasang direktang gamitan ng kamay o mga daliri sa paggamit. Ang kamay ay maaaring may moisture at bacteria bago pa man ito ipahid sa balat kaya mabuting malinis muna ang mga kamay bago pa man magpaganda.

Maging maingat din at sundin ang sinasabi sa label. Kung malinaw na nakalagay ang eksaktong expiration date, sundin ito. Halimbawa kung ang ointment ay para sa pimples at may nakalagay na expiration date ay malinaw na nakapaloob sa petsa ang safety at bisa nito.

Kapag ang produkto – liquid man o dry type – ay nag-iba na ang texture, amoy, kulay at iba pa kumpara sa mga unang pag-apply nito ay makabubuting huwag nang gamitin pa upang hindi maging daan para masira ang inyong balat o magbigay ng ibang masamang epekto.

Iba pang icons

Simbolo ito ng People for the Ethical Treatment of Animals o PETA (animal test-free o Leaping Bunny logo) na nagsasabing ang pagsusuri sa hayop ay hindi bahagi ng paggawa ng isang produkto. Ang Leaping Bunny ay ang pinakapinagkakatiwalaang certification na walang kalupitan naganap para sa mga produktong hindi sinubok sa hayop.

 

Gayundin, ang cruelty-free ay nangangahulugan na ang mga produkto ay ginawa nang hindi gumagamit ng anumang pagsubok o kalupitan sa hayop, samantalang ang mga produktong vegan ay hindi naglalaman ng anomang sangkap na nagmula sa mga hayop.

Ang isang tatsulok na binubuo ng tatlong arrow na umiikot pabalik sa sarili nito sa isang clockwise na paraan ay kilala bilang isang Mobius loop. Ang sign na ito ay nagpapahiwatig na ang isang produkto ay nare-recycle. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na ito ay ginawa mula sa recycled na materyales.

Kapag may percentage sa gitna ng loop, ipinahahayag nito na ang packaging ay naglalaman ng x% ng recycled na materyal.

Samantala, kapag dalawa ang araw na paikot na makikita sa packaging ay nagpapahiwatig ito na ang tagagawa ay may pinansyal na ambag sa recovery ng pag-recycle ng packaging. Hindi sinasabi nito na ang packaging ay recyclable.

Ang karamihan ng prepacked goods sa European Union ay nagtataglay ng estimated sign, kadalasang kilala bilang e-mark o quantité estimée (estimated quantity o tinantyang dami). Sinasabi rin nitong ang laman ng lagayan ay hindi eksakto pero nasa average.

Ang hour glass na half-full na simbolo ay para sa mga produktong may lifespan na wala pang 30 buwan, na nagsasabi rin ng ‘best before end’ (BBE) o petsa ng pag-expire – nabuksan man o hindi.